Ruffa Gutierrez is now a certified Kapamilya! The controversial actress-beauty queen-TV host signed a one-year contract with ABS-CBN today. Photo: Noel Orsal

Pumirma na si Ruffa Gutierrez ng exclusive contract sa ABS-CBN kaninang tanghali, June 7, kasama ang kanyang ina at talent manager na si Annabelle Rama. Ruffa was wearing a Rajo Laurel sequenced bronze blouse and brown-satin skirt, na kakulay ng kanyang shoes na gawa naman ni Cesar Gaupo.

Present din siyempre sa contract signing ang bigwigs ng ABS-CBN, sa pangunguna nina Cory Vidanes (VP for Programming), Deo Endrinal (VP for Variety, Reality, and Talk), at Louie Andrada (Business Unit Head of The Buzz). Nandoon din ang executive producer ng The Buzz na si Nancy Yabut at ang ABS-CBN Corporate PR head na si Bong Osorio.



One-year contract ang pinirmahan ni Ruffa with ABS-CBN kung saan nakasaad na dalawang programa ang lalabasan niya. Isa na rito ang The Buzz. Samakatuwid, si Ruffa na officially ang papalit sa dating host nito na si Kris Aquino. Matatandaang si Ruffa ang pansamantalang pumalit kay Kris nang mag-maternity leave ang huli.



Kaugnay ng paghu-host niya sa The Buzz, ikinuwento ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na noong nagkita sila ni Kris sa taping ng Kapamilya Deal Or No Deal ay pinuri-puri raw siya ng TV host-actress. Alam na raw ni Kris na si Ruffa na talaga ang papalit sa kanya sa show. May blessing din daw si Kris sa kanya bilang kapalit sa The Buzz.

Aside from The Buzz, gagawa rin ng teleserye si Ruffa sa Kapamilya Network. Pero bukod sa dalawang TV shows, type din daw niya na makagawa ng pelikula sa Star Cinema.



Magsisimula si Ruffa as host ng The Buzz sa June 24, kasabay ng selebrasyon ng kanyang birthday. Magmumuni-muni pa raw muna siya for one week bago sumalang sa nasabing showbiz talk show.

Sinabi rin ni Ruffa na sa kanyang pagbabalik sa The Buzz ay may malaking bomba siyang pasasabugin.