"Basically, I want to save friendship. I don't want to lose Ruffa [Gutierrez] on The Buzz. I don't want to lose Cristy [Fermin]. I don't want to lose my tandem with Kris. That's the reason," says Boy Abunda about why he agreed to do a talk show with Kris Aquino. Photo: Noel Orsal


Kinumpirma ng TV host-talent manager na si Boy Abunda ang nalalapit na pagsasama nilang muli ng kanyang kaibigan na si Kris Aquino sa isang talk show sa ABS-CBN, ang Boy & Kris, na magiging kapalit ng Homeboy starting next month.



Nagpatawag ng ilang entertainment press si Kuya Boy sa taping ng Homeboy last Tuesday, June 12, para linawin ang mga isyu tungkol sa napabalitang bagong show nila ni Kris sa Kapamilya Network.

 

Itinanggi ni Kuya Boy ang kumakalat na balita na kaya raw papalitan ng Boy & Kris ang Homeboy ay dahil tinalo na diumano sila ng katapat na programa sa kabilang istasyon, ang SIS sa GMA-7.



"Basically, I want to save friendship. I don't want to lose Ruffa [Gutierrez] on The Buzz. I don't want to lose Cristy [Fermin]. I don't want to lose my tandem with Kris. That's the reason," paliwanag ni Kuya Boy.

 

It's true na ayaw nang bumalik ni Kris sa The Buzz. Totoo rin na isa sa mga dahilan ng hindi na niya pagbabalik sa show ay si Cristy. Malinaw sa huling edisyon ng K magazine ni Kris ang dahilan kung bakit ayaw na niyang makatrabaho ang batikang koluminsta at TV host.

 

Labis daw nasaktan si Kris sa mga isinulat ni Cristy tungkol sa mister ni Kris na si James Yap at kay Hope Centeno.

 

Isasakripisyo ni Kuya Boy ang kanyang solo talk show na Homeboy. Isasantabi raw niya ang kanyang show na labis na napamahal sa kanya alang-alang sa pagkakaibigan. Excited din si Kuya Boy sa bago nilang show ni Kris dahil dito mapapanood muli ang batuhan nila ng opinyon.



Noong una raw ay Kris and Boy ang title dapat ng show na ipapalit sa Homeboy. Pero hindi raw pumayag si Kris na mauna ang pangalan niya kaya mauuna si Kuya Boy sa billing.

 

Bukod sa Boy & Kris at Kapamilya Deal or No Deal, magsisimula na rin si Kris sa pangatlo niyang show sa ABS-CBN, alinsunod sa bagong kontrata niya sa Kapamilya Network.

 

Ang ikatlong show na ihu-host ni Kris ay isang lifestyle show. May tsismis na baka si Kris ang ipalit kay Charlene Gonzalez sa At Home Ka Dito, although we feel na isang totally new lifestyle show ang ibibigay ng ABS-CBN for Kris.