Nadia Montenegro (left) returns to acting via a guest appearance in ABS-CBN's Ysabella while her daughter Alynna Asistio (right) is part of GMA-7's Mga Mata Ni Anghelita. Not only do they apppear in rival networks, their shows are also on the same time slot. Photo: Noel Orsal

 

Nasa party ni Ruffa Gutierrez si Nadia Montenegro kagabi, June 26, sa Florabel sa may Podium. While outside the restaurant together with Dr. Manny Calayan and Assunta de Rossi, na mga guests din sa party, nabanggit ni Assunta na napanood niya si Nadia sa Ysabella, ang kabubukas na soap ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN.

 

"Oo, ako ang young Gina [Pareno]," pagkumpirma naman ni Nadia.

 

Biglang naalala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang Ysabella ang makakatapat ng Mga Mata ni Anghelita ng GMA-7 na magpa-pilot this Monday, July 2. Isa sa cast members nito ay ang anak ni Nadia na si Alynna Asistio.

 

"Ay hindi, hanggang first week lang ako ng Ysabella," paglilinaw ni Nadia. "Four taping days lang ako. By Monday, lumaki na si Ysabella [Juday], so tumanda na rin ang character ko. Nang namatay kasi ang nanay ni Ysabella na si Osang [Rosanna Roces], ang character ko ang umampon sa kanya.

 

"Mabuti nga first week lang ako kasi nakakahiya naman kung tatapatan ko ang first soap ng anak ko," sabi pa niya.

 

Tinanong namin si Nadia, paano kung magkaroon ng flashback next week ang character niya habang nagsisimula na ang Mga Mata Ni Anghelita?

 

"Yun na!" maikli niyang tugon.