Richard Gutierrez (left) and Dingdong Dantes (right) will star in GMA Films' second horror movie Dagao. The film will be directed by Chito Roño, who directed the blockbuster horror movies Feng Shui and Sukob. Photo: Noel Orsal


Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang taga-GMA Films na sigurado na ang pagsasama sa pelikula nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. In-aannounce na ng president ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar sa VIP premiere ng Ouija ang tungkol dito. Ang movie nina Richard at Dingdong ang isa sa tatlong magkakasunod na pelikulang gagawin ng film arm ng GMA-7 bago matapos ang taon.



Dagao ang working title ng unang pelikulang pagsasamahan ng dalawang top leading men ng GMA-7. Isa uli itong horror movie to be line-produced and directed by Chito Roño.

 

"Very soon" ang sabi sa PEP na start ng shooting at gagawin ni Direk Chito bago ang London Caregiver ni Sharon Cuneta sa Star Cinema. Kung September 11 ang start ng shooting ng Sharon movie, baka August simulan ni Direk Chito ang first movie niya sa GMA Films.



Sinabi sa PEP ang ibig sabihin ng title. Tungkol ito sa iisang tao na may dalawang katauhan. Kung paano ito gagawing horror ni Direk Chito, hintayin na lang daw natin. Pauusuhin daw ng GMA Films ang horror movie na one word ang title. After ng first horror film nila na Ouija, here comes Dagao.



Nang makausap ng PEP si Joey Abacan, ang supervising producer ng GMA Films, nabanggit niya ang mga pangalan nina Iza Calzado, Bianca King, at Marian Rivera na posibleng makasama sa Dagao. Kaya lang, aalis si Iza para sa Hollywood shooting ng The Echo kaya wala na siya sa cast, unless hintayin siyang makabalik.



Marami na ang excited sa pagsasamang ito nina Richard at Dingdong. Dahil wala pang story conference at hindi pa sila nagsu-shooting, ang magiging billing ng kanilang pangalan ang ginagawang issue.



Dapat daw name ni Dingdong ang mauna dahil nauna siyang gumawa ng movie sa GMA Films at mas senior siya kay Richard, bagay na marami ang komokontra. Bata pa lang daw ang younger brother ni Ruffa Gutierrez na si Richard at ang kambal nitong si Raymond ay artista na at may karapatan siyang mauna sa billing.



Kung may magiging problema sa shooting ng Dagao, ito ay ang schedule nina Richard at Dingdong dahil pareho silang busy. Tinatapos na ni Richard ang Lupin at sa October ay magsisimula na siyang mag-taping ng Kamandag, ang next project niya sa GMA-7 to be directed by Mark Reyes. Si Dingdong naman ay busy rin sa taping ng Marimar nila ni Marian Rivera.