Former Star Magic actor Janus del Prado focuses on his studies in Multi-Media Arts and says he wants to experience normal student life. His latest project is a role in Regal Entertainment's My Kuya's Wedding. Photo: Noel Orsal


Dahil hindi naman nga sunud-sunod ang nagiging proyekto ng young actor na si Janus del Prado sa Star Magic ng ABS-CBN, nagko-concentrate muna siya sa kanyang pag-aaral sa STI. Ipinagpapatuloy niya ang kursong Multi-Media Arts.



"Every once in a while, meron naman pong offer sa movies. Like ngayon, kasama naman ako sa ipapalabas ng Regal Films na My Kuya's Wedding na sina Maja Salvador and Ryan Agoncillo ang mga bida," sabi ni Janus sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Kahit epektibo siyang dramatic actor, hindi matatawaran sa comedy si Janus at madalas na sa mga comedy films siya nakakasama.



"Natutuwa nga po kami ni Mommy [Amy Robles] dahil sa ibinigay na chance ni Mother Lily [Monteverde] na makasama uli ako sa project na ito [My Kuya's Wedding]. The last project na ginawa ko with them, e, ‘yung Shake, Rattle & Roll last Metro Manila Film Festival. Baka naaliw si Mother sa role ko dun sa isang episode ng movie," pahayag ni Janus.



Bakit mas pinili niya ang mag-enrol at pumasok araw-araw sa school kesa ‘yung karaniwan na lang na ginagawa ng mga kagaya niyang nasa showbiz na home study na lang?



"Gusto ko talagang mag-aral," sabi niya. "‘Yung ma-experience ang normal na nae-experience ng mga ordinaryong estudyante. ‘Yung may rapport ka with your classmates, pati sa mga professors mo. E, hindi naman ako ganoon ka-busy in showbiz kaya alam ko na kaya ko itong bigyan ng panahon ko. Dahil alam ko na hindi naman pang-habambuhay na sa showbiz na lang ako aasa."



How is his life as an ordinary student now?



"Masayang minsan, may tamang asar din," sagot niya. "Siyempre, hindi maiiwasan na merong mga mang-inis sa ‘yo dahil alam nila na artista ka. E, ako naman, cool lang. Iwas na lang sa puwedeng pagmulan ng gulo.

 

"I try my best to excel sa mga ginagawa ko. Minsan, merong ibinigay na award sa akin. Natural, ang narinig kong mga comments, ‘E, kasi artista.' Na parang gustong sabihin na dahil artista ka kaya ka pumapasa sa ginagawa mo. May magandang comment na masabi sa akin ang professors ko, ‘E, kasi artista.' Madalas may mga masasalubong ka na lang na aasarin ka talaga. Ayoko ng away, e. Mag-aaral na lang akong mabuti."



Ano na ang nangyari sa bandang binubuo niya with Alwyn Uytingco and the Roco twins, Dominic and Felix?



"Mas busy na sila with their commitments sa showbiz and si Alwyn became a part na of a boy band na mga celebrities din [Boyz.Com]. Pero nagkikita-kita pa rin kami at buo pa rin ang barkadahan at friendship namin," sabi niya.



Sabi ni Janus, loveless pa rin siya now after the hurtful experience with co-Star Magic talent Carla Humphries.



"Tahimik na nga ang buhay ko na walang love life, e," aniya. "Pero ang nakakarating pa rin sa akin, laging ako pa rin ang nasa bibig niya [Carla] when she gets to be interviewed. Kasi, may mga times na ume-effort siya na kausapin ako. Sa akin naman, wala na kaming dapat pang pag-usapan dahil tapos na nga kami, di ba? Siya na nga ‘yung maraming nasabing masakit sa akin, e, bakit gusto pa niyang mag-usap kami?

 

"I have moved on. At sa pag-move on ko, ang buhay ko ang gusto kong maging maayos na maayos. Para pagdating ng araw, maging proud sa akin sina Mom at Dad, ang pamilya."



Hindi naman daw kakalimutan ni Janus ang pag-arte na siyang ipinama sa kanya ng kanyang ama, character actor Renato ‘Guido' del Prado, na nakatira ngayon sa San Diego, California.



"It runs in the blood. Marami akong natutunan, lalo na sa disiplina ng pagiging isang artista, at isa rin sa pasasalamatan ko diyan si direk Peque Gallaga. At ngayon siyempre, si Mother Lily at ang Regal and Direk Manny Valera, for another wonderful opportunity," pagtatapos ni Janus.

 

(The writer is the half-sister of Janus del Prado. They are the children of former character actor Renato del Prado.)