Veteran comedian-TV host Joey de Leon retaliates from Willie Revillame's (inset) accusations against him.
Joey de Leon reacts to Willie Revillame's accusations against him
Thursday, August 30, 2007
01:09 PM
Naka-scoop kaninang umaga, August 30, sina Ali Sotto at Arnold Clavio dahil sila ang unang naka-interview kay Joey de Leon bago ito magsalita sa Eat Bulaga! ngayong tanghali.
Sinagot ni Joey ang mga paratang sa kanya ni Willie na napanood kahapon, August 29, sa Wowowee. Kararating lang kasi ni Joey mula sa Hong Kong kaya hindi nito nasagot agad ang mga sinabi laban sa kanya ni Willie. Magkatapat ng timeslot ang mga programa nina Joey at Willie.
Kung napakinggan ni Willie ang mga pahayag ni Joey sa radio program nina Ali at Arnold na Double A sa Double B, posibleng nadagdagan ang galit niya sa veteran TV host-comedian.
Ayon kay Joey, magaling mag-drama si Willie. Ginagamit daw siya nito para mapagtakpan ang isyu tungkol sa "Wilyonaryo" segment ng Wowowee.
Sinabi pa ni Joey na "walang alam" at "mababaw" si Willie dahil hindi nito maipaliwanag ang totoong nangyari sa "Wilyonaryo".
Nilinaw rin ni Joey na wala siyang binabanggit na pangalan ng host o TV show. Imbes na magsalita nang magsalita, bakit hindi na lang daw siya idemanda ni Willie.
Ibang medium ang radyo sa telebisyon kaya nasabi ni Joey ang ilan sa mga salita na foul sabihin sa telebisyon. Nagamit niya sa radio interview ang mga salitang "traidor", "malansa", "sinungaling", "animal", "bobo", at "mayabang" na pawang patungkol kay Willie.
Samantala, nakatanggap din ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ni Joey:
“Kung meron kaming sinasabi dito sa aming program (Eat Bulaga!) ito ay para sa mga nanonood sa amin. Alam namin ang hirap ng mga audience para makapasok at manood ng aming programa. Alam din namin ang hirap na pinagdadaanan para makasali sa contest. Kaya dito sa programa namin, sinisigurado namin na malinis, walang hokus pokus, at parehas ang laban ng bawat contestant na sumasali.
"Ngayon, kung may tinamaan kami sa aming mga sinasabi 'bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit.' Wala kaming binabanggit na pangalan o programa. Kaya lang, ang tanong ng tao sa You Tube, sa TV, sa diyaryo, sa radio, at mga taong nag-complain sa DTI: Bakit may dobleng numero sa isang gulong? Iyon ang sagutin mo [Willie]. Hindi tungkol sa akin ang isyu.”
Inaasahan na lalong magiging matindi ang away sa pagitan ng dalawang TV hosts dahil sa matatapang na pahayag ni Joey laban kay Willie.
Additional report from Nelson Canlas
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Fashion and Beauty
FASHION FAD: The thing to WATCH out for!
Join Dimples Romana and Megan Young on their watch-shopping.
-
Babies and Kids
KC Concepcion says movie with her dad Gabby has go-signal from mom Sharon
KC cancels out-of-the-country appointment to attend her Tita Ciara Sotto's wedding.
-
PEP Finder
Cindy Kurleto happy with her life in Peru but misses Manila
The former Eat..Bulaga! mainstay is saddened by news about Francis Magalona's demise.
-
Features
Shalani Soledad says she has a good relationship with Kris Aquino
The lady councilor thinks Kris's current issue with husband James Yap will not harm Sen. Noynoy Aquino's presidential bid.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


