Comedienne Ai-Ai delas Alas's decision to stay with ABS-CBN seems to be paying off. Aside from being part of the fantaserye Lastikman, Ai-Ai will reprise her role in the television remake of Volta. She is also busy shooting the spoof comedy Pasukob and she will soon start filming the sequel of Ang Tanging Ina, titled Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Photo: Noel Orsal


Nagbunga ang desisyon ng comedienne na si Ai-Ai delas Alas na manatili sa ABS-CBN. Kahapon, August 30, nagsimula na siyang mag-taping para sa bagong fantaserye ng Kapamilya network, ang Lastikman na pagbibidahan ni Vhong Navarro at kung saan gaganap si Ai-Ai bilang si Beautiki.



Kasabay ng pagte-taping ni Ai-Ai ng Lastikman ang shooting ng Pasukob, ang pelikulang pagsasamahan nila ni Rufa Mae Quinto at idinidirek ni Wenn Deramas para sa OctoArts Films.



Nagulat si Ai-Ai nang banggitin sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang hindi niya maikuwento noong una na mga proyektong inilatag sa kanya ng ABS-CBN. Kinumpirma niya ang sinabi sa amin ni Direk Wenn na gagawin nila ang television remake ng Volta, ang superhero movie na ginawa ni Ai-Ai para sa Star Cinema.

Uumpisahan nina Ai-Ai at Direk Wenn ang Volta The Series pagkatapos ng appearance ng comedienne sa Lastikman. Magkasabay na gagawin ni Ai-Ai ang Volta The Series at ang comeback movie niya sa Star Cinema na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat with Direk Wenn again. For the first time, gaganap na Presidente ng Pilipinas si Ai-Ai sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.



Siksik ang schedule ni Ai-Ai sa buwan ng Nobyembre dahil sabay niyang gagawin ang Volta The Series at Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Bukod dito, magbabalik sa Araneta Coliseum si Ai-Ai for her major birthday concert on November 16 titled Ai-Ai....The Greatest Performance of My Life.



Masaya ring kinuwento ni Ai-Ai ang pagbubukas ng bago niyang restaurant business, ang "Aisarap" na may dalawang branches agad. Plano pa ni Ai-Ai na magdagdag ng isa pang branch this year.

Samantala, nagdesisyon si Ai-Ai na isara na ang Klownz Comedy Bar at Klownz Café sa Araneta Coliseum. Masyado na raw kasing mataas ang renta nila sa lugar. Although 'yung Klownz Angeles sa Pampanga ay willing pa rin daw niyang ituloy ang operation.