Young actor Richard Gutierrez topbills GMA-7's new action-drama series, Kamandag. The series, which will be directed by Mark Reyes and Topel Lee, will begin taping mid-September. Photo: Noel Orsal


Natuloy ang story conference ng fantasy-action-adventure at bagong show ni Richard Gutierrez sa GMA-7 na Kamandag kagabi, September 5, na ginawa sa 17th floor ng GMA Network. Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang involved sa proyekto na present ang bumubuo ng cast at excited na silang mag-taping.



Mid-September ang simula ng taping ng Kamandag at mid-October naman ito sisimulang ipalabas. Sina Mark Reyes at Topel Lee ang magtutulong sa pagdidirek ng Kamandag, na isinulat ni Carlo J. Caparas.

 

Mag-a-undergo ng military combat training si Richard at mga kasama niya sa Kamandag. Nabalitaan din ng PEP na kukuha ng foreign expert on military training ang GMA-7 para mag-train sa cast.

 

Bukod kay Richard, ang kasama pa sa cast ay sina Mark Anthony Fernandez, Zoren Legaspi, Ariel Rivera, Francine Prieto, Benjie Paras, Mart Escudero, Elvis Gutierrez, Pekto, at Ronaldo Valdez. May isa pang magaling na aktor na kasama sa cast na identified sa ABS-CBN, ngunit ayaw munang ipabanggit ang pangalan.



Tatlo ang leading ladies dito ni Richard—sina Ehra Madrigal, Jewel Mische, at Maxene Magalona. Si Richard daw mismo ang nag-suggest kay Jewel at natatandaan ng PEP na choice ng young actor ang newbie noong nasa StarStruck 4 pa lang ito. Naniniwala si Richard na malaki ang potential ni Jewel na sumikat at maging magaling na aktres.



Samantala, excited na ang marami sa pagkatuloy ng tambalang Richard at Maxene. Matatandaang sila dapat ang magkapareha sa Mulawin dahil si Maxene ang first choice sa role ni Alwina.

 

Hindi lang natanggap ng young actress ang offer dahil sa schedule nito sa Ateneo de Manila University. Ngayong maluwag na ang schedule ni Maxene, pinayagan na siyang maging active uli sa TV. Huli siyang napanood sa sitcom na Daddy DiDoDu as one of Vic Sotto's daughters.



Kay Angel Locsin napunta ang role ni Alwina sa Mulawin at dito rin nagsimula ang loveteam nila ni Richard. Umaasa ang GMA-7 na tatanggapin ng televiewers ang tambalan nina Richard at Maxene, gaya ng pagtanggap nila sa loveteam na Richard-Angel at Richard-Rhian Ramos (Captain Barbell at Lupin).