Camille Prats finally admits that she is four months pregnant. The dad is her non-showbiz boyfriend, Anthony (left). The young actress flew to the United States last Wednesday, September 5, with the father of her child.
PEP EXCLUSIVE: Camille Prats is four months pregnant
Friday, September 7, 2007
11:50 AM
Rating
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Camille Prats na si Alma Prats kaninang umaga, September 7 (September 6 ng gabi sa US). Sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles, California na raw sila ni Camille, na umalis ng Pilipinas noong Wednesday, September 5.
Diretso na kaagad tinanong ng PEP si Mommy Alma kung ano ang katotohanan sa kumakalat na balitang buntis si Camille kaya pansamantala muna itong magpapahinga sa kanyang showbiz career, na taliwas sa unang pahayag ng young actress na mag-aaral muna siya sa Amerika.
Hindi naman nagkait ng kasagutan ang ina ni Camille. Agad nitong inamin na totoo ngang nagdadalang-tao ang nakababatang kapatid ni John Prats.
Ayon kay Mommy Alma, "Four months na ang pagbubuntis niya. So, malamang na dito na rin siya sa US manganganak.
Samantala, pinabulaanan naman ni Mommy Alma ang kumakalat na balita na ang young director na si Paul Soriano ang ama ng ipinagbubuntis ni Camille. Sa pagkakaalam ng PEP ay matagal nang nag-break sina Camille at Paul, na ngayon ay kasintahan na ni Toni Gonzaga.
Ayon kay Mommy Alma, ang non-showbiz boyfriend ni Camille na si Anthony ang ama ng magiging apo niya. Minsan na ring na-meet ng PEP nang personal si Anthony na ipakilala ni Camille noon sa amin.
"Anthony is our family friend," sabi ni Mommy Alma. "Yung family niya is our longtime family friend. Matagal na naming kakilala yung bata kaya walang problema. Susunod din siya rito sa US, although mas nauna lang na umalis si Camille."
More than two years na raw ang relationship nina Camille at Anthony, na for a while ay naputol. But later on ay nagkabalikan din sila.
Kung tungkol naman sa wedding ang pag-uusapan, most likely ay next year na raw ito magaganap, right after makapanganak si Camille. Twenty-two years old na ngayon ang dating child star.
Binigyang-linaw rin ng ina ni Camille na ipagpapatuloy talaga ng young actress ang kanyang pag-aaral. Ayon kay Mommy Alma, kahit daw buntis si Camille ngayon, tuluy-tuloy pa rin ito sa planong mag-aral sa US.
"Matagal na kasing plano yung US schooling niya," diin ni Mommy Alma. "So wala namang problema kahit nagdadalang-tao siya ngayon. Puwede pa rin naman niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa at makatapos sa gusto niyang course.
"Kaya nga kahit buntis siya, wala kaming choice kundi payagan siyang mag-stay muna sa Amerika. Para at the same time, magamit niya yung time na ‘yon para makapag-aral pa rin siya."
Bukod kina John at Camille, tatlo pa ang nakababatang kapatid ni Camille na pawang mga nag-aaral dito sa Pilipinas. Ayon kay Mommy Alma, at the end of September ay uuwi rin siya sa Pilipinas kapag nasiguro na niyang settled na ang anak sa pag-i-stay niya sa ibang bansa.
Ang lola ni Camille at ang iba pa nilang mga kamag-anak sa Amerika ang pansamantalang makakasama ng young actress. Siyempre pa, kasama rin ni Camille ang non-showbiz boyfriend niya na si Anthony.
Huling napanood si Camille sa fantaserye na Super Twins ng GMA-7.
Para sa buong detalye ng kalagayan ni Camille, panoorin ang exlusive interview sa kanya ng Showbiz Central ngayong Linggo, September 9. Na-interview ng Showbiz Central si Camille mismo bago ito lumipad patungong Los Angeles.
- Camille Prats takes her time recovering from husband's death
- Camille Prats on her first Christmas without husband Anthony Linsangan: "This would be an unusual Christmas for me kasi he won't be there."
- Camille Prats's husband, Anthony Linsangan, finally laid to rest
- Camille Prats reveals "letting go" of husband Anthony Linsangan after seeing him suffer from so much pain
- Camille Prats on the death of her husband: "I don't understand why I had to lose him at this very early age."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Aljur Abrenica evades questions about Kylie Padilla; clarifies rumor linking him to Ava Jugueta
- Geoff Eigenmann on Carla Abellana's rumored transfer to ABS-CBN: "The answer is up to her. Siya na ang bahala. And you'll hear the answer soon."
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Part 1 Ynna Asistio denies signing up with Icons; bent on getting away from Annabelle Rama's management
- Philippines bags 16 nominations in the 2012 New York TV and Film Festivals
- Richard Gomez on his view about politics: "The real way for you to help people is you have to be in politics."
-
TV Rating TNS
Three GMA-7 soaps aired their pilot episodes Monday.
-
Fashion
Sheena Halili: from shopaholic to practical buyer
Sheena opted to cut back on her fashion expenses so she can buy herself a townhouse.
-
Society Watch
Divine Lee supports gender equality and gay rights.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Gab Valenciano admits to initiating breakup with Isabel Oli: "I just couldn't see her with me. I couldn't see her with a guy like me at this point."
- Aubrey Miles reveals why she can't marry partner Troy Montero yet
- Part 1. Jaclyn Jose on ex-boyfriend Mark Gil: "I don't think he likes me. Parang there's something in him na parang buwiset siya sa akin."
- Kris Aquino's marriage to James Yap is now officially annulled
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
- Part 1 Ramgen Revilla and Janelle Manahan love story featured in pilot episode of Showbiz Inside Report
Advertisement

