The male contract artists of GMA Artist Center: (Standing, from left) Einar Ingerbrigsten, Paolo Paraiso, Lawrence Gutierrez, Gino dela Peña, Victor Aliwala, and Joseph Marco; (first row) Rye Fariñas, Marvin Agustin, and Renz Valerio. Photo: Courtesy of GMA Artist Center

 

Ipinakilala na sa ilang miyembro ng entertainment press ang mga bagong talents ng GMA Artist Center. Labing-limang mga bagong mukha ang nagkaroon ng presentation last Thursday, September 13 sa 17th Floor ng GMA Network Center.



Ayon sa Artist Center head na si Ms. Yda Henares at sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, ito raw muna ang una't huling pagkakataon na makikita ang kanilang mga bagong discoveries dahil dadaan daw muna sila sa ilang workshops at personality developments bago sila humarap ulit sa media.



"Gusto namin ay handa silang lahat bago sila ilabas ulit sa media," sabi ni Ms. Wilma. "Marami kaming naka-schedule sa kanila na workshops in acting, singing, dancing, and overall development. Para naman hindi sila kahiya-hiyang iharap ulit sa press. Gusto namin sa susunod ay ma-impress na kayo sa kanila."



Para naman kay Ms. Yda, paghahanda ito para sa mga bagong projects na darating pa sa GMA-7. Kesa nga naman daw tumanggap sila ng ibang talents from the rival network, bakit nga naman hindi na lang sila mag-develop ng mga bagong talents. Sa ganung paraan daw ay natutulungan pa nila ang improvement at confidence ng kabataan.



"Most of the talents we got come from good schools, good families, and may mga magaganda silang trabaho na ipinagpalit nila just to be with Artist Center. It's going to be a long process to prepare them but sa nakikita namin, excited silang lahat, and we feel strong [sic] about our new talents. Ready na silang humarap sa anumang challenges ng show business."



Kabilang sa 15 new faces na ipinakilala ng GMA Artist Center sina: Gino dela Peña, a commercial model; Victor Aliwala, a New Yorker na susubukan ang suwerte niya rito sa Pilipinas; Samantha Gamboa, professional model, dancer and gymnast; Lawrence Gutierrez, professional model and a relative of the Gutierrez family.



Rye Fariñas and Cristina Fariñas, models at mga anak nina Ilocos Norte Governor Rudy Fariñas and the late Maria Theresa Carlson; Lyka Feliciano, ramp and commercial model; Einar Ingerbrigsten, former Mossimo Bikini Summit winner, ramp, print, and commercial model.



Stephanie Henares, student, part-time model and upcoming QTV 11 VJ and daughter of Ronnie and Yda Henares; Ysa Villar, upcoming QTV 11 VJ; Schinina Juban, Manila's Five Prettiest and daughter of an international film producer; Joseph Marco, top commercial and print model.



Bebs and KC Hollman, former Star Circle Quest talents ang granddaughter of former TV host Chiqui Hollman-Yulo; Joy Velasco, print model, civic leader, boutique owner and Ms. Teen Model of the Universe.



Ang iba pang mga bagong contract stars ng GMA Artist Center ay sina Marvin Agustin, Paolo Paraiso, Jen Rosendahl, Ayen Munji-Laurel, Jon Joven, and child stars Renz Velario, Nicole Dulalia and Iking Magundayao.