"I don't wanna deny na numbers are important. But I'm not consumed, I'm not obsessed by numbers. I am too secure in what I can do and what I cannot do to worry about numbers," says Boy Abunda (in photo with co-host Kris Aquino) about the ratings. Photo: Noel Orsal


Kinumpirma ni Boy Abunda sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkakaroon ng mga pagbabago sa daily morning show nila ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris.

"Oo, hindi naman siya reformat. Well, for lack of a better word, we're trying to evolve. We're trying to find new things to do," umpisang paliwanag ni Tito Boy nang makapanayam siya ng PEP last Tuesday afternoon, September 25, during a short break sa taping ng Boy & Kris.

Ayon sa batikang TV host, hindi pa klaro sa kanya kung ano exactly ang mga magaganap na changes sa show, pero itinanggi niyang gagawing mala-The Buzz na isang showbiz-oriented talk show ang pang-umagang programa nila ni Kris.

May balita ring paghihiwalayin sila ni Kris at madalas daw na lalabas si Boy para mag-interview habang si Kris ay mananatili sa loob ng studio.

"Hindi naman. Meron pa rin kaming mga studio interviews," paglilinaw niya. "But you know, it's basically an effort to do something different. Pabagu-bago, may studio, may labas na interviews, para lumawak ang coverage.

"Basically nga, si Kris ang lalabas ng studio, e. Pero ako rin, lalabas. Wala pa akong masyadong detalye, but it will start sometime October.

"Hindi naman pagbabago ito. It's introducing new portions. For lack of a better word, it's called reformat. Ginagamit lang yung general term na ‘yon," sabi pa ng kilalang TV host/talent manager.

RATINGS GAME. Hindi maitatanggi na may kaugnayan ang ratings sa mangyayaring reformatting ng Boy & Kris dahil base sa survey results ay palagi itong nalalamangan sa ratings ng katapat na morning show ng GMA na SiS.

"Let's put it this way, we should be sensitive to other people's opinions. Hindi natin dapat ikaila ‘yon, lalo na if it makes sense.

"With humility, you should listen to the opinion of other people. Number two, you shouldn't just stop at where you are. You shouldn't just stop within your comfort zone.

"I think you should push the envelope, you should push yourself to the edge para hindi ka maluma, hindi ka ma-bore, para may bago. And you should always be excited to learn new tricks. Kaya bukas ako sa ganyan, e.

"Naalala n'yo ‘yung mga 'Ebidensiya' sa The Buzz? On the spot ‘yon. Eksperimento. Sometimes it's planned, sometimes it happens, di ba? Kasi, when you do what you do for a couple of years, you have to keep on reinventing. Instead of a reformat, it's bahagi ng reinvention. Kung kaya mo, gawin mo.

"Ako basically, mahalaga sa akin yung ganitong klase ng proseso dahil it excites me. Hindi yung ‘yon na lang nang ‘yon. But we can always go back to this. Kasi, hanggang ilan naman ang puwede mong ikutan? Ilan naman ang puwede mong subukan?

"When you do a morning talk show, you're limited to certain options lang. So, iikot at iikot ka lang. Lalabas kami; sa susunod, sa studio naman. Hindi pa rin mawawala yung studio.

"You know, it is always an effort to make it more exciting. Will it work? With all humility, I don't know. Pero it should not stop us from trying," tuluy-tuloy na pahayag ng tinaguriang local TV's King of Talk.