Seasoned actress Jean Garcia (left) is the final choice to take over Sheryl Cruz's (right) role in the new GMA-7 soap opera La Vendetta. Photo: Victor Abenes (Jean) & Noel Orsal (Sheryl)


Confirmed na ang paglipat muna ni Sheryl Cruz from GMA-7 to ABS-CBN with not just one but two shows: an episode of Love Spell and as part of the remake of Gumising Ka, Maruja.

 

Dahil dito, hindi naibigay kay Sheryl ang eldest sister role sa magbubukas na bagong primetime soap ng GMA-7 na La Vendetta, also starring Sunshine Dizon and Jennylyn Mercado.

 

Si Jean Garcia ang papalit sa role ni Sheryl. Nag-promo plug kahapon, September 30, sa Filmex studio sa Makati si Jean for the soap and she will start taping on October 10.

 

Meanwhile, inayos na rin ng ibang artistang kasali sa La Vendetta ang kanilang mga schedule dahil magsisimula na nga ang taping nito.

 

Polo Ravales adjusts to the La Vendetta taping schedule para ma-swak sa current schedule niya dahil kasama rin siya sa Pasan Ko ang Daigdig nina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

 

Si Mark Herras naman, magla-last taping day na tomorrow sa Mga Mata ni Anghelita at nagtapos na rin siya sa Fantastic Man. Aayusin niya na lang ang shoot niya for Bahay Kubo na Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal Entertainment this Christmas.

 

Same goes for Paolo Contis na kasama ni Mark sa Mga Mata ni Anghelita. Tomorrow, September 30, ang last taping niya for the soap and next week, free na siya for La Vendetta.

 

Tapos na rin ang shooting schedule ni Jennylyn para sa Resiklo, ang festival entry naman ng Imus Films sa 2007 MMFF.

 

Nagtatapos na rin ng shooting si Jean for Regal's Hide and Seek na launching movie ng anak niyang si Jenica Garcia and partner Mart Escudero. This week ang last shooting day nito sa Magalang, Pampanga. Hide and Seek  opens nationwide on October 31.