(From left) Jennylyn Mercado, Sunshine Dizon, and Jean Garcia play sisters in GMA-7's new soap opera La Vendetta. Taping of the suspense-drama series starts tomorrow, October 12. Photo: Noel Orsal


Bukas, Friday (October 12), na ang first taping day ng bagong soap opera ng GMA-7 na La Vendetta, na gagawin sa isang malaking bahay sa San Fernando, Pampanga.

Dapat ay noong Monday, October 8, pa ang first day taping ng naturang soap opera na pagbibidahan nina Sunshine Dizon, Jean Garcia, at Jennylyn Mercado, pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon ng problema. Wala raw kasi ang may-ari ng original house na gagamitin sa taping at sa November pa ang balik nito. Kaya kinailangan nilang maghanap ng ibang bahay na magagamit sa taping.



Twelve weeks lang daw tatakbo ang La Vendetta na magkatulong na ididirek nina Gil Tejada at Lore Reyes. Suspense-drama ang genre nito, na first time na gagawin ng GMA-7. Pero matagal na raw itong na-conceptualize at hindi lang magawa dahil nauso ang fantaserye at pumasok pa ang Bakekang at Impostora.



"Feeling ng [Kapuso] network, ready na ang viewers for this kind of genre na parang gothic. This is all about love, deceit, and vengeance. Maganda ang story ni RJ Nuevas at mabilis ang pacing nito. Sa first few episodes pa lang, marami na ang mangyayari at may mamamatay na. Lahat ng characters ay suspect," pagsisiwalat ng isang involved sa production sa PEP.



Hindi naniniwala ang kausap ng PEP na kailangan pang hintayin ang press conference para malaman ang roles na gagampanan ng major characters sa La Vendetta. Hindi siya takot sa galit ng viewers na ayaw ng spoiler.



Kuwento ng aming source, "Jean Garcia is Amanda, bida-kontrabida siya; Jennylyn Mercado is Almira, she's the youngest of the three sisters; and Sunshine Dizon is Eloisa, siya naman ang hallucinating sister.

"Si Rustom Padilla ay closet gay na yoga instructor. Luis Alandy is Ariel. For the first time, mabait dito si Paolo Contis at siya si Junjun. Polo Ravales is Gabby at very interesting ang role niya."



Hindi maalaala ng aming kausap ang pangalan ni Wendell Ramos sa soap opera. Si Rustom naman ay baka mapalitan pa ang name sa serye kaya hindi niya nabanggit.