StarStruck 3 First Prince Gian Carlos will be joining Zaido Blue Dennis Trillo, Zaido Green Marky Cielo, and Zaido Red Aljur Abrenica, as he becomes the fourth member of the Pulis Pangkalawakan—Zaido Gold. Photo: Noel Orsal


This week, papasok ang pinakabagong miyembro ng Zaido, ang Zaido Gold na si Tobey, to be portrayed by StarStruck 3 First Prince na si Gian Carlos. He will be joining Blue Zaido Gallian na si Dennis Trillo, Green Zaido Alexis na si Marky Cielo, and Red Zaido Cervano na si Aljur Abrenica.

 

Second week pa lang ng Zaido: Pulis Pangkalawakan ay kasama na sa cast si Gian as Tobey, isa sa mga fan ng swimmer na si Cervano sa school nila. Napag-trip-an siya ng mga kaibigan ni Cervano na sina Paulo Avelino, Ken Punzalan, at Vivo Ouano at naaksidente siya. Sinalinan siya ng dugo ni Cervano kung kaya't magkakaroon na rin siya ng superpowers.

 

Nalaman ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kay Gian mismo nang magkita kami sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato, Quezon Cty, the week before the long Halloween holiday. Ito ang first taping day niya as Zaido Gold.

 

Natanong namin sa kanya kung hindi ba siya mahihirapan sa mga stunts bilang Zaido dahil may sakit nga siyang Hemophilia A, na hindi dapat nasasaktan dahil nag-i-internal bleeding siya.

 

"Hindi naman po siguro, kasi kapag naka-uniform na, puwede namang stuntman kapag mahirap na," sabi ni Gian.

 

As much as possible daw, susubukan niyang siya ang personal na gagawa ng kanyang stunts hanggang kaya niya.