"Kami kasi, pinili namin na maging magkaibigan kami. Pumasok siya sa showbiz at alam mo naman dito, sobrang gulo ang lahat. Pareho kaming nasa showbiz and siya, gusto rin niya na maging private ang personal life niya," says Mark Bautista about his relationship with Pinoy Big Brother housemate Riza Santos.

Photo: Victor Abenes (Riza) & Noel Orsal (Mark)


Nang pumutok ang balita na nliligawan ni Mark Bautista si Riza Santos bago pa man pumasok sa Pinoy Big Brother (PBB) house ang beauty queen, nabalita rin na girlfriend na siya ni Polo Ravales.



Lalo pang tumibay ang hinala ng marami na may namamagitan nga kina Riza at Polo nang magsalita ang beauty queen na ang boyfriend niya raw ay ang kapatid ng kanyang best friend. Matalik kasing kaibigan ni Riza ang nakakabatang kapatid ni Polo na si Ashley Gruenberg, pero itinanggi naman ng sexy actor na siya ang tinutukoy ng Fil-Canadian beauty queen.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark at tinanong namin siya kung kakausapin ba niya si Riza para klaruhin ang isyu tungkol sa kanila ni Polo ‘pag lumabas na ito sa PBB house.

 

"Siguro paglabas niya, ‘pag may time and chance kaming makapag-usap, we'll talk para na rin malinawan ang lahat. To be honest, ayoko rin namang mag-comment about it, ayoko rin namang makialam sa personal na buhay niya. Wala naman akong karapatang ikontrol ang buhay ni Riza," pahayag ni Mark

 

Nilinaw rin ng singer na hindi niya masasabing umabot sila ni Riza sa ligawan. Nang pumasok daw kasi si Riza sa showbiz ay nagdesisyon silang dalawa na huwag silang umabot sa isang seryosohang relasyon para huwag maging kumplikado ang mga bagay-bagay.



"Hindi pa kami umabot sa ligawan talaga kasi sobrang short pa yung pagsasama namin. Kumbaga, hindi pa naman kami matagal na nagsama talaga. Unang dating niya dito [sa Pilipinas], May yata, pagdating niya dito, nag-US tour kami ni Sarah [Geronimo] for one-and-a-half months. Pagbalik ko dito, winork out ko yung concert ko, yung Simply Irresistible, then pumasok na siya [Riza] ng PPB house.



"Kami kasi, pinili namin na maging magkaibigan kami. Pumasok siya sa showbiz at alam mo naman dito, sobrang gulo ang lahat. Pareho kaming nasa showbiz and siya, gusto rin niya na maging private ang personal life niya."

 

Sa parte naman ni Riza, inilabas niya rin ang kanyang pagkadismaya tungkol sa pagli-link sa kanya kay Mark sa mismong Bahay ni Kuya habang nagkukuwentuhan sila ng kanyang housemate na si Jon Avila.

 

Si Mark pala ang naging way para makapasok ng showbiz si Riza. Nang tanungin kung may kaunti ba siyang panghihinayang na nakayag pa niyang sumama ito sa mga showbiz gatherings, kita namin ang kaunting pagsisisi sa singer.



"Ganun talaga, e," napakibit-balikat na sabi ni Mark. "Ang nangyari kasi, ipinakilala ko siya sa manager ko, kay Tita Veronique [del Rosario] and nagustuhan siya, puwede raw maging artista si Riza. Nag-decide si Riza pati ang family niya, so nirespeto ko yung decision nila kasi wala naman akong control sa buhay niya."

 

Riza can be the PBB grand winner pero anytime rin ay puwede siyang ma-nominate at mapalabas sa Bahay ni Kuya. Kahit pa nga malabo kung anuman ang maaaring kauwian ng nararamdam ni Mark para sa beauty queen, umaasa si Mark na si Riza ang manalo as PBB grand winner.



"Actually, wala akong idea na papasok pala siya sa PBB," saad ni Mark. "Nagulat na lang ako na nasa PBB na siya. Dapat manonood pa siya ng concert ko nun, I invited her and sabi niya she'll go daw. Pero pagdating ng concert, hindi siya nakapunta kasi yun pala pumasok na sila sa PBB house."



Dagdag niya, "I'm positive that she can be the PBB grand winner. Grabe yung training ni Riza from military so matatag siya. Sana manalo siya."