"Naisip ko lang kung Philippines ang napili last year, baka twice in a row, ma-hit natin. Kaso nga, hindi ganoon ang nangyari, but that's okay. Masaya pa rin ako," says Stef Prescott.

Photo: Noel Orsal


Nagpakita ng matinding paglaban noon sa StarStruck si Stef Prescott. Sa tindi ng kumpetisyon, na-misinterpret siya ng marami. Pero sa kasalukuyang takbo ng career niya, nakikita naming ini-enjoy lang niya ang lahat at nabago ang unang impresyon sa kanya.



"Okay lang sa akin kahit kontrabida ang role ko dito sa My Only Love," sabi ni Stef tungkol sa afternoon soap opera na kinabibilangan niya. "Alam kong matagal pa bago ako mabigyan ng malaking break. Kahit nga hindi na dumating ang sandaling 'yon, at least, ang gusto ko lang ay masubukan ko rin ang ganitong klaseng role.



"Of course, gusto ko pa ring magbida, pero nobody knows what the future holds for me. Basta gagawin ko lang kung ano ang dapat. Nabigyan man ako ng kontrabida role, mapatunayan ko man lang that I'm also good at it. Hindi madaling gumanap ng kontrabida," sabi pa ni Stef.



Sinubukan umano ni Stef na baguhin ang kanyang kapalaran para lalong bumongga ang career sa pmamagitan ng pagsali sa Miss Internet World, pero nabigo rin siya.



"Yung candidate from Uzbekistan ang nag-win," pagbabalita ni Stef. "Siya ang naging bet talaga ng judges, but that was still a good try for me.



"Hindi sa kino-console ko na lang ang sarili ko, pero hindi naman totoong ginamit ko ang pagsali sa contest na 'yon para lang umangat ang career ko. In the first place, hindi ako sure talaga kung mananalo nga ako, when I joined."



Isa pang consolation kay Stef ay yung malaman niyang marami na ring bansa ang nag-backout sa nabanggit na contest.



"I'm not so sure with their decision, kung ano ang dahilan nila," sabi ni Stef. "Maybe because wala talaga silang representative. There were around 135 countries which originally joined, pero sa final, umabot na lang ng 90 to 100 ang natira. Last year, Carlene Aguilar joined the contest and she won.



"Nilapitan ako para riyan, and they asked me if I was interested. Okay lang sa akin. Kasi yung contest, walang masyadong pressure. Wala yung pupunta ka pa abroad to compete personally, and you have to undergo interviews and preliminaries. Wala namang ganito sa Miss Internet World. Basta kailangang may file ka lang na ipapadala with your photos.

 

"Naisip ko lang kung Philippines ang napili last year, baka twice in a row, ma-hit natin. Kaso nga, hindi ganoon ang nangyari, but that's okay. Masaya pa rin ako," lahad ni Stef tungkol sa buong karanasan niya sa pagsali sa nabanggit na contest.



Palagay ni Stef, walang effect sa career niya ang pagkatalo niya sa contest. Kung sakaling beauty contest daw 'yon na may swimwear and gown competition, baka hindi pa siya sumali.



Ayon sa kanya, "Sobrang effort kasi nun, e. Marami rin akong ginagawa rito. Yun nga lang, let's say, kung mapili ka sa Asia, ipapadala ka personally sa London. Nakakapanghinayang, pero iisipin ko na lang na siguro na talagang hindi ako para sa ganoon."



Naitanong namin kay Stef ang tungkol sa lovelife, pero wala raw mahihita sa kanya pagdating dito. May nabanggit lang siya na naging ka-close niyang guys sa showbiz, lalo na sa mga nakasama niya sa StarStruck.



"May mga na-link sa akin like Aljur [Abrenica] and Mart [Escudero]. Mayroon pang chapter nga with Rainier Castillo. Pero ka-close ko lang ang mga 'yon. Si Rainier nga, nakasama ko lang sa Maynila, may tsismis na agad," pahayag ni Stef.