Aniya, "Walang plano. Five years ago, we were close because of my sister [Camille Prats], Marinella magkasama na sila. Magkakilala na kami, sabay na kami lumaki, so alam namin yung ugali namin. Hindi ko maalaala kung ano ang nag-trigger, siguro nagdya-jive lang kami in so many things."
Samantala, naikuwento rin ni John na diretso sa bahay ang kanyang panliligaw dahil "yun ang gusto ng family."
Minsang nagpunta raw si John sa bahay ni Shaina ay nataon pa na may "barbecue party" ang pamilya ng dalaga.
Salaysay ni John, "Barbecue dinner, so kumpleto sila. Na-invite ako, siyempre nerbiyos na nerbiyos ako kasi buong pamilya na 'yon. But noong pagpunta ko doon, sobrang okay sila, ‘O, kumain ka na?' Ganun-ganun. So nung narinig ko 'yon, in-entertain nila ako, kahit papaano nawala yung kaba ko ng konti 'tapos in-enjoy ko na yung night."
Ngayong tila tanggap na siya ng pamilya ni Shaina, may balak ba siyang mag-backout sa kanyang panliligaw sa dalaga?
Sagot ni John, "Kung ako, parang wala akong makitang reason to give up Shaina."





