Two of Regal Entertainment's entries in this year's Metro Manila Film Festival, Bahay Kubo (top) and Desperadas (bottom), will open as scheduled on December 25 and January 1, respectively.

Photo: Courtesy of Regal Entertainment


Sumulat ang Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) screening committee kung puwedeng ipagpalit ang playdates ng dalawa sa tatlong pelikula nila na nakasali this year sa taunang film festival—ang Bahay Kubo at Desperadas.

Both directed by Joel Lamangan, Bahay Kubo stars Maricel Soriano, Eric Quizon, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, Mark Herras, Rayver Cruz, Jiro Manio, Bearwin Meily, and Eugene Domingo.

Bida naman sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian sa Desperadas.

Ang Bahay Kubo ang pang-December 25—kasabay ng isa pang Regal movie na Shake, Rattle & Roll 9 (SRR 9)—at pang-January 1st naman ang Desperadas. Ang request ng Regal sa MMFF screening committee, kung puwedeng ang Desperadas ang ilagay sa December 25 at ang Bahay Kubo naman ang ilagay sa January 1.

Natatakot kasi ang Regal na mangyari ang naging experience ng festival movie nila last year na Mano Po 5 starring Richard Gutierrez and Angel Locsin. While the movie finished in time for the festival cut-off, ito ang pinakahuling na-process kung kaya't hindi agad naihabol ang prints sa mga sinehan at nalugi ang movie ng isang araw of showing.

Ang projection ng Regal, pinakahuli ring matatapos ang Bahay Kubo of their three movies kung kaya't pinakahuli rin ang magiging post-production nito. By the time na natapos ang principal photography ang SRR 9 at Desperadas, may three shooting days to go pa ang Bahay Kubo na inabot ng tatlong magkakasabay na bagyo.

Natapos on time ang Bahay Kubo, nagsisimula na ring mag-final edit ang pelikula, at marami sa mga artista ay natapos na rin ang mga respective dubbing.

Pero hindi rin napayagan ang request ng Regal na pagpalitin ang playdates ng Bahay Kubo at Desperadas, so matutuloy pa rin ang scheduled playdates ng dalawang pelikula. Ang Bahay Kubo pa rin ang makakasabay ng SRR 9 on Christmas Day at ang Desperadas ay ipapalabas on New Year.