Kinilala ng Aliw Awards Foundation, Inc. (AAFI), ang mga
artista na nagtatanghal nang live onstage at sa concert scene. Noong Miyerkules,
November 28, ay idinaos ang 2007 Aliw Awards sa Palacio de Manila, Roxas Blvd.,
Malate, Manila. Nagsimula ang nasabing awards night ng alas-otso ng gabi.
Unang-una naming nakita pagpasok pa lang ng venue ang magkasintahang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na nakaupo sa table malapit sa entrance na kasama ang ama ni Regine na si Mang Gerry.
Pagpunta namin sa harap ay napansin agad namin ang aktres na si Beth Tamayo na nakakulay pulang damit. Member pala siya ng Board of Trustees at presentor din ng gabing 'yon.
Habang kami ay nasa tabi malapit sa stage ay napuna naming taranta ang ilan sa mga miyembro ng AAFI dahil sa kakulangan ng production staff, kung kaya't ang ilang miyembro na mismo ang paikot-ikot para tawagin ang mga presentors at awardees.
Kahit nga mismo ang mga hosts na sina Richard Reynoso at Sharmaine Santiago ay nalilito rin dahil sa paiba-ibang script, kaya't dinadaan na lang nila sa pagpapatawa.
Gayundin ang ginawa ng co-host na si Vice Ganda at co-host presentor na si John "Sweet" Lapus. Hindi na nila sinunod ang script at nagpatawa na lang habang naghu-host sila ni Sharmaine. Dahil sanay sa impromptu performances ang mga stand-up comedians na ito, nag-click sila sa audience.
Maraming performers ng gabing iyon, pero hindi dumating ang isa dito na si Sitti Navarro. Sa dami ng performers ay tumagal ang nasabing awards night hanggang alas-dos ng umaga.
Bumilib nga kami kina Regine at Ogie, dahil kahit halatang antok at pagod na ay nag-stay pa rin sila doon sa venue. After ng show ay hindi naman agad sila nakaalis dahil sa nagpakuha pa ng souvenir picture ang mga miyembro ng AAFI.
Ang Asia's Songbird ay kinilala bilang Entertainer of the Year at Best in Major Concert(female category) para sa kanyang 20th anniversary concert aptly titled Twenty. Ito ang kauna-unahang Entertainer of the Year Award ni Regine mula sa Aliw Awards.
Ang songwriter naman na si Ogie ang napili bilang Best in Major Concert(male category) para sa kanyang Komikonsierto. Proud naman ang presentor na si Judy Ann Santos nang iabot niya ang tropeo sa nanalong male Best Emcee, na walang iba kung hindi ang kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo.
Hindi namin nakitang pumanhik ng stage si Toni Gonzaga nang i-announce ang pangalan niya na nanalong female Best Emcee.
Lifetime Achievement Awardees ang PETA kasama rin sina Rico Puno, Willie Nepumuceno at Annie Brazil na pare-parehong hindi nakarating, dahil sa commitment nila sa ibang bansa. Hall of Fame awardees naman sina Paolo Bediones (Best Emcee) at Miguel Villareal Aguila (Best Child Performer).
Special Awardeesnaman sina Ligaya Fernando-Amilbangsa, Boy Camara, George Yang, at ang Retrospect.
Ang iba pang mga nanalo para sa 2007Aliw Awards ay ang sumusunod:
Best Performers in Hotels, Music Lounge and Bars
Male: Reuben Laurente
Female: Sitti Navarro
Group/Standard: Retrospect
Pop: Shane The Brown Union
Best Performers in a Concert
Male: Eric Santos
Female: Nina
Group: Bamboo
Collaboration in a concert: Ayen Munji-Laurel and Raymond Lauchengco for The Best of Us
Best Musical Director: Soc Mina for Nina Sings Very Manilow
Best Concert Stage Musical Director: Ernie Duque for Nina Sings Very Manilow
Best Choral Group: Ramon Magsaysay High School Chorale (Manila)
Best Dance Company
Classical/Contemporary: Quezon City Performing Arts
Modern: Air Dance Company
Best Cultural Group: Bungkos Palay of Nueva Ecija
Best Stand-Up Comedy Act
Male: Pooh
Female: Candy Pangilinan
Best Instrumentalist
Mary Ann Espina - Piano
Best New Artist
Male: Rox Puno
Female: Yeng Constantino
Best Stage Director
Musical: Arthur Casanova - Godspell
Non-Musical: Felis "Nono" Padilla - Belong Puti
Best Non-Musical Production: Belong Puti - PETA
Best Musical Production: Tao - Pixel
Best Stage Actress
Musical: Ana Feleo - Godspell
Non-Musical: Joy Soler de Castro - Walang Himala
Best Stage Actor
Musical: Vince Tañada - O Moises
Non-Musical: Roeder Camañag - Just Call Me, Flory/Forever
Best Classical Performers
Male: Ramon Acoymo
Female: Alegria Ferrer
Best Child Performer: Julia Abueva