"Mabuti naman at dumating itong Desperadas kasi mapapanood nila ang comic side ko. Sa Bahay Kubo kasi, drama rin ako ‘tulad sa ginagawa ko sa Marimar. Pero in Desperadas, ibang-ibang Marian ang mapapanood nila,"  says Marian Rivera.

Photo: File photo


Contrast sa totoong personalidad ni Marian Rivera ang pagganap niya bilang Courtney sa sex-comedy film ng Regal Entertainment na Desperadas, official entry sa 2007 Metro Manila Film Festival na magsisimulang ipalabas sa January 1. Isang liberated na babae ang role ni Marian, na ang boyfriend—na ginagampanan naman ng model-turned-actor na si Will Devaughn—ay biglang naging Born Again Christian.



Natatawang ikinuwento ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na marami siyang mga linya sa Desperadas na ikagugulat ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Malaswa at parang babaeng bakla si Marian sa pelikula kaya maraming matatawa sa mga punchlines niya.



Kung sa hit primetime show niyang Marimar ay seryoso si Marian, dito raw sa Desperadas ay nagbaliw-baliwan siya.



"Kailangan kong mag-shift ng characters every now and then," sabi ni Marian. "Sa Marimar kasi, serious ako parati. For the past few months, doing the role of Marimar, lagi akong umiiyak at emote nang emote.



"Mabuti naman at dumating itong Desperadas kasi mapapanood nila ang comic side ko. Sa Bahay Kubo kasi, drama rin ako ‘tulad sa ginagawa ko sa Marimar. Pero in Desperadas, ibang-ibang Marian ang mapapanood nila," pahayag pa ng young actress.



Galing sa conservative na pamilya si Marian. Laki siya sa kanyang lola sa Cavite kaya kapag tinatanong siya regarding any topic about sex ay napapangiwi siya.



"Hindi ako kumportable talking about that topic, lalo na ang virginity," diin ni Marian. "It's a personal thing kasi. Depende naman kung gusto mo or ayaw mong sagutin ang mga tanong about sex and virginity. May iba na okay lang na pag-usapan. Ako kasi, ayokong pag-usapan ‘yan. Iba na lang, huwag lang ‘yon kasi masyado na ‘yong personal."



Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Iza Calzado sa Showbiz Central na hindi sila naging close noong nagsu-shooting sila ng Desperadas?



"Maganda naman po ang sinabi ni Iza regarding that issue," sagot niya. "Tama naman siya na hindi naman po kami nagkaroon ng chance na makapag-bonding. Masyado kasing mabilis ang pag-shoot namin ng movie, ‘tapos may kanya-kanya pa kaming mga trabaho after ng shooting. Kaya wala talagang chance na magkuwentuhan kami o makilala ang isa't isa.



"Tulad nga ng sinabi ni Iza, I want to get to know her better din. Siguro kung magkakasama kami sa isang project ulit, doon na mangyayari ‘yon," sabi ni Marian.