It has been confirmed by PEP that young actress Jennylyn Mercado is two months pregnant courtesy of boyfriend Patrick Garcia.

Photo: Noel Orsal

 

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balita kanina lamang, January 3, mula sa isang staff ng showbiz talk show na kumpirmadong buntis ang young actress na si Jennyly Mercado.

 

Ayon sa source ng PEP, six weeks and two days na ang dinadala ni Jennylyn courtesy ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia. Nagpa-check-up sina Jennylyn at Patrick sa St. Luke's kanina at dito nga nakumpirma ang pagbubuntis ng young actress na magtu-21 years old pa lang sa May 15.

 

Nang kumpirmahin ng staff ng showbiz talk show ang balitang buntis si Jennylyn, inamin naman daw ito agad ng young actor. Idinagdag pa ni Patrick na pananagutan niya ang dinadala ni Jennylyn.

 

Sa katunayan, at press time ay kasalukuyang nasa Makati City Hall sina Jennylyn at Patrick at nagpapakonsulta ang dalawa para sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ayaw raw kasi ni Patrick, 26, na lumabas ang bata na hindi pa sila kasal ni Jennylyn.

 

Magkasama sina Jennylyn at Patrick sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. Tiyak na makakaapekto ang pagbubuntis na ito ni Jennylyn sa magiging takbo ng naturang afternoon soap opera.

 

Ang maganda lang dito sa pagbubuntis ni Jennylyn ay inalok siya ng kasal ng ama ng kanyang magiging anak. Kaso, tiyak na magiging problema ang magiging petsa ng kasal nina Patrick at Jennylyn dahil sa October 9 ng taong kasalukuyan ang kasal ng kapatid ng young actor na si Cheska Garcia sa basketbolistang si Doug Kramer. Kung saka-sakaling matuloy rin ang pagpapakasal nina Patrick at Jennylyn ay magiging sukob ang kasal ng magkapatid na Cheska at Patrick.