Umalis kagabi ang magkasintahang sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para sa U.S. screening ng top-grossing movie sa katatapos na 2007 Metro Manila Film Festival, ang Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema. Three days ago ay umabot na sa P120 million ang kinita sa takilya ng sequel sa successful first movie team-up nina Ryan at Juday na Kasal, Kasali, Kasalo.
Hindi inaasahan ni Ryan na magiging top grosser muli ang kanilang pelikula sa MMFF. Natuwa rin siya na nakita ng mga tao ang kaibahan ng KKK at SSS.
Aniya, "From what we've heard sa mga reactions, kasi ang ganda ng naging reaskyon ng mga tao. Basically, sa mall kapag nagdi-dinner kami, may lumalapit sabi, ‘Ay, ang ganda ang pelikula ninyo.' Yung KKK yun. 'Tapos ano...ang ganda sana...kaya kami kinabahan na gumawa ng sequel kasi baka mamaya sabihin naman nila ma-disappoint kayo sa produkto.
"Ah, ang kaibahan ngayon, people actually treated it as a different movie. Hanggang ngayon, may mga lumalapit pa rin at sinasabi nila na mas gusto nila ang KKK. Pero marami rin ang nagsasabi na gusto rin nila ang SSS. It's very nice because nagkaroon ng dalawang magkaibang produkto. Kumbaga, independent yung SSS and hindi kami yung tipo na inulit lang dahil pumatok last year. And ah, I think it just goes to say na maganda talaga ang pagkakagawa ni Direk Joey sa pelikula and we were just so very happy."
At ngayon pa lang, marami na ang nagtatanong kung magkakaroon ng part 3 ang tambalan nila ni Juday sa Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa taong 2008.
"Yung part 3, depende sa availability ni Bronson [anak ng tatay ni Juday sa ibang babae sa pelikula]. Hahaha!" biro ng actor-host.
Sa unang presscon pa lang ng Sakal, Sakali, Saklolo ay matigas na si Direk Joey sa pagsabi na ayaw na niyang gumawa ng part 3. Ano sa tingin ni Ryan?
"Well, you know, yung KKK at the end of screening nung nagro-roll yung credits, si Tita Malou Santos [Star Cinema's Managing Director], lumapit agad. Sabi niya, gusto niya ng part 2. Ganun din yung nangyari at the end of screening ng SSS. Sabi niya, she wants to do a part 3. So, sa ngayon, usap-usapan pa rin siya and, ah, marami acturally nga nagsasabi na puwedeng puwede pa talaga.
"I mean, I've read some columns na sabi nila gusto nila ng part 3. Marami rin akong nare-receive na comments from prints na sinasabing puwede pa, e, kaya siguro paghahandaang mabuti, if ever. ‘Enjoy-in muna namin siguro yung twin success ng KKK and SSS. Kasi sa totoo lang, hindi pa rin ako nakaka-recover from the success of KKK and yung SSS. Ini-enjoy pa lang namin, so, kung magkakaroon ng part 3, ano na kaya ang magiging title noon?"
NEXT PROJECT WITH JUDAY. Ano na ang susunod na projects nila ni Juday after Sakal, Sakali, Saklolo at ang magtatapos na teleserye nila sa ABS-CBN na Ysabella?
"As far as I know, ang next project namin ni Juday for TV... ang management's call is to really separate our careers as far as TV is concerned. Yun yung sa ngayon. Pero sa pelikula, meron kaming naka-line up na projects na it involves Judy Ann, ako, and Direk Joey as well sa Regal. Ang alam ko, hindi siya MMFF entry pero I'm not sure when it's gonna happen if it's early this year or later part of the year," sagot ng binata.
Nang tanungin siya kung kelan kaya gagawin ang third series ng KKK, heto ang sagot niya, "Sabi ni Ms. Malou, if ever na gagawa ng third installment ng Kasal series it won't be for this year. Baka ipahinga lang ng isang taon and then babalik kung sakaling gagawa. And sabi niya, it might be shot...she's considering the shooting daw the entire film in the States for the third installment."
Pero siyempre, maari pa raw magbago ang mga plano.
SSS, ANTI-BISAYA? Nang usisain naman siya tungkol sa reaksyon ng ilang pulitiko, kabilang na si Senator Aquilino Pimentel, na ‘di nagustuhan ang diumano'y panlalait ng pelikula sa mga Bisaya:
"Alam mo, nagulat ako because nung nabasa ko yung mga lumabas...nabasa ko yung comment ni Senator Pimentel, ah, and, I read in some part of the interview not being able to watch. Kasi ang nabasa ko lang yung interview ni Sentor Pimentel and he admitted not seeing it [the movie] as of press time nung ininterbyu siya noon, and he cited yung mga lines. He quoted people who texted him, and it's just sad. I think that he was able to make a comment na sa tingin ko, e, misinformed lang siya.
"I have nothing against the Senator. He's a good man but I think it's just sad that he made a misinformed comment because ako mismo is very sensitive with those things, e. Kasi ako, Batangueño ako, e. Ang daming nanlalait din sa amin. But I don't think at any point, Direk Joey intended to offend them," paliwanag ni Ryan.
Naikuwento ni Ryan yung parte sa pelikula na naka-offend daw sa ilang mga Bisaya.
"Ang argument kasi, sabi ni Gloria
Diaz [o] Mommy Charito, ‘Bakit mo hinahayaang mag-Bisaya?' which I think is a
natural comment of a mom who belongs to a family that naturally are not Bisaya,
‘di ba? So, 'bakit mo pinapayagan?' Pero idinipensa ni Angie [Judy Ann]. Sabi
niya, ‘Hindi po, Mommy. Hindi dapat English. Dapat po, Tagalog.' Pertaining to
their being Tagalog, kasi Tagalog sina Jed at Angie, e. Pero at no point in the
movie na binawalan ni Angie na mag-Bisaya ang anak niya. Till the end,
nagbi-Bisaya si Rafael, nobody made a comment," ang sabi pa niya.
WEDDING BELLS? Baon sa pag-alis nina Ryan at Juday ang pagdududa na baka magpakasal na sila sa kanilang trip sa U.S.
"Huwag na, may divorce doon, e," ngiti ni Ryan. "Nag-e-enjoy pa kami. Alam mo, para sa amin, bata pa yung relationship. Wala kaming anibersaryo. Wala kaming theme song. Only last weekend [treat nila for Christmas sa anak na si Yohan sa Ocean Adventure sa Subic], doon kami masayang-masaya. Lahat ng nagastos doon was worth it because we actually discovered our theme song. Hahaha!
"Ang bata, ‘di ba? Parang hindi kami magte-trenta na! Tuwang-tuwa kami sa song na, ‘I Melt With You' ni Jason Mraz. Yung reggae version from the soundtrack of 50 First Dates. It gets airtime sa radio hanggang ngayon.
"Ganyan kabata yung relationship namin na even on our third year, tuwang-tuwa kami that we finally discovered our theme song. Kasi after a successful weekend, we were listening to music, biglang lumabas yung song na ‘yon and we decided na kung ano yung theme song namin. So, sa theme song pa lang kami. Yung date sa kasal, darating din tayo dyan," sabay tawa ulit ni Ryan.
CHRISTMAS GIFT. Naging usap-usapan din ang announcement nina Ryan at Juday kung ano ang Christmas gift nila sa isa't isa during the presscon cum victory party ng Star Cinema parasa Sakal, Sakali, Saklolo.
"Ang regalo ko, kinakarir ko. Siya rin, kinakarir niya. Halimbawa, yung camera dati, hindi lang basta camera. Dapat yung kamerang gusto ko at pangarap ko. Ito ang hindi ko maintindihan. Ang simple lang palang regaluhan ng babae. Sa dami nung mga kinarir kong regalo na pa-sweet-sweet pa ako ng pagkakarir ng pagbibigay, may drama-drama pa at eto, binigyan ko lang, doon lang siya naiyak.
"Kinausap ko yung kapatid ko at mga pinsan ko, lahat nung mga misis nila, iisa yung sinasabi, ‘yan nga, yung bag. Kasi, the last few days towards Christmas sabi ko,‘Ayoko namang magbigay ng bag.' Kasi hindi naman kami yun, e. Kasi ‘di ba, hindi naman kami yung ma-designer, hindi naman kami ma-label. Kumbaga, yung bag, pandala lang ng gamit sa amin. E, yung nagbigay ako ng bag, naiyak siya. Sabi ko, ‘Uy, sa dinami-dami ng kinarir kong regalo, eto pa yung ayaw kong ibigay kasi nahihiya ako na parang...eto lang? E, eto...pero ang babae pala, ganun talaga ‘no," lahad ni Ryan.
Ang tinutukoy na bag ni Ryan na gift niya for Juday ay isang kulay beige na Gucci na worth more than P100,000. "Nahihiya pa nga akong ibigay kasi I thought, hindi ko masyadong pinag-isipan yung bag. Yun pala, maiiyak siya. Yun pala ang susi ng kaligayahan ng aking jowa [girlfriend]," natatawang pagtatapos ni Ryan sa aming interbyu.
