PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes vows to honor contract with GMA Artist Center

Cristine also denies having any special relationship with Willie Revillame.
by Archie de Calma
Published Jan 12, 2008
Is she going to be a Kapamilya after her contract with GMA Artist Center expires? Cristine Reyes, at present, is firm in saying she's happy with the Kapuso network. But that was also what her elder sister Ara Mina said before receiving ABS-CBN's offer, so, let's all wait and see.

Unlike before, subdued at more relaxed si Cristine Reyes sa pagsagut-sagot sa mga intrigang kinasasangkutan niya. Halatang in the mood ang StarStruck alumna nang pasyalan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Ate, ang shooting ng pelikulang pino-produce mismo ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina, sa Speaker Perez Street, Quezon City.

"Sobrang thankful talaga ako sa suporta ni Ate [Ara] rito," banggit ni Cristine. "Hindi naman ako pampered o spoiled sa shooting, kasi talagang kailangang matapos agad ito. Ang advantage, parang sa akin na rin ang production kaya walang dahilan para maging pasaway ako o maging problema sa set."

May kainitan ang mga isyung ipinupukol kay Cristine, lalo na yung pagkaka-link niya kay Willie Revillame, pero tinatawanan lang niya ang ito.

"Kakulitan ko kasi 'yang si Willie. Barkada ang turing namin sa kanya ni Ate. May gimikan kami kung minsan, pero nothing serious o sinasabing ligawan sa amin ni Willie. Parang kuya ko na rin nga 'yan. Wala talaga, maniwala man sila o hindi," ang sabi ng natatawang si Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasakay na rin pala siya sa red Ferrari ni Willie na naging controversial dahil "hot car" diumano ito.

"Wala na kay Willie ang Ferrari, isinoli na niya," kuwento ni Cristine, na tila updated sa mga pangyayari sa buhay ng controversial TV host.

Sa pagpapatuloy niya, "Yeah, kami ni Ate, sumakay na sa hot car na yun. In fairness, hindi naman namin alam na ganoon yun, even Willie siguro. Kaya nga isinoli na niya para walang gulo. Wala naman akong idea how much that Ferrari costs. Basta niyaya lang kaming mag-joyride kasama ni Ate, at siksikan pa nga kami roon. Maliit nga ang space, eh."

Tila sinasadya raw ni Cristine na gumawa ng ganitong mga isyu para mainis ang GMA-7 sa kanya at tuluyan na siyang pakawalan. Lumalabas kasi ang bali-balita na lilipat na talaga si Cristine, at mayroon pa ngang nakaabot na reports sa PEP na may agreement na raw si Cristine at ang ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hay, naku, walang ganyan!" sabi pa ni Cristine. "Nasa GMA-7 pa rin ako. Happy pa rin ako sa kanila. Hindi porke nagtatrabaho na si Ate sa ABS, lilipat na rin ako. May contract pa rin ako sa GMA-7, and we have to honor that. Ngayon, kung wala nang contract, that we have to see."

Anytime daw, matatapos na rin ang contract ni Cristine sa GMA-7, at may option to renew, in favor of GMA-7, na nakasaad sa dito.

Aniya, "Well, I don't know about that. Kasi wala pa naman akong balak lumipat. Inuunahan na lang kasi kami ng mga controversy. Kung ayaw nilang maniwala na hindi ako lilipat, eh, 'di hintayin na lang nila kung magkakatotoo ang mga haka-haka nila. Kasi kahit ano pa ang sabihin ko, kung hindi nila ako paniniwalaan, para ano pa?"

Kaugnay pa rin ng balitang paglipat niya, may surprise female star daw sa cast ng Palos, ang upcoming TV series nina Cesar Montano at Jake Cuenca sa ABS-CBN. Ipinapakita ang teaser at parang merong female Palos na medyo natatakpan ang mukha and in some angles ay kamukha raw ito ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Uy, bago 'yan! Walang ganyan. Hindi ako basta makakagawa ng move hangga't hindi tapos ang contract ko at walang maayos na pag-uusap. Wala akong balak na iwan ang GMA-7, at kung magkaroon man, hindi sa ganyang paraan.

"Puwede akong mademanda kung ganyan ang gagawin ko, kaya imposible. Stick muna ako sa GMA-7 at ito munang mga trabahong ibinibigay nila ang haharapin ko, at itong movie namin ni Ate, na super-excited talaga ako dahil acting vehicle na rin ito para sa akin," ang nasambit pa ni Cristine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is she going to be a Kapamilya after her contract with GMA Artist Center expires? Cristine Reyes, at present, is firm in saying she's happy with the Kapuso network. But that was also what her elder sister Ara Mina said before receiving ABS-CBN's offer, so, let's all wait and see.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results