Even if Ysabella is still on the air, Derek Ramsey can now also be seen in another ABS-CBN primetime drama series, Maging Sino Ka Man. "I thought my scenes in Maging Sino Ka Man would come in later, but it just went on. So, I guess there's no one to blame," explains Derek.

Photo: Noel Orsal


Kakaiba ang sexy actor na si Derek Ramsay. Kung ang ibang artists ng ABS-CBN ay limitado sa isang teleserye lang ang regular exposure, siya naman ay nag-overlap na ang ilang huling linggo ng Ysabella, na halos kasunod lamang ng Maging Sino Ka Man (MSKM), kung saan kasama rin siya sa mga bida.



"I thought my scenes in Maging Sino Ka Man would come in later, but it just went on. So, I guess there's no one to blame. Maybe, gusto na talaga nilang mapanood din ako sa MSKM, and there's no other recourse than to do that.



"Besides, matagal ko na kasing tapos ang taping ng Ysabella. Naging maluwag ang schedule ko to concentrate on MSKM. Any day from now, matatapos na ang Ysabella, at ngayon ko nga nararamdaman yung pagka-miss talaga sa soap," sabi ni Derek sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Very significant sa career ni Derek ang Ysabella. Dito siya umakyat sa leading-man status, kasama si Judy Ann Santos, forming a love triangle with Ryan Agoncillo.



"I'm so happy, kasi kung hindi sila pumayag at hindi nila ako gustong makatrabaho, I wouldn't have gone this far. Sa point na ito, I learn the value of pakikisama and friendship in the industry. And you will really be appreciated for what you are. Basta, gawin mo lang nang tama yung ini-expect sa 'yo," saad ni Derek.



YSABELLA ENDING.
Matatapos na this week ang Ysabella at may nagsabi sa amin na anuman ang maging ending nito, tiyak na pabor itong lahat kay Derek.



"Siguro kaya nila nasasabi 'yon, everything favors me because I'm just a newcomer, kung tutuusin. But I was given this big break to star with Juday and Ryan. Mapunta man sa akin si Juday sa ending, o kay Ryan, either way, I am already a winner. Kasi malaking exposure talaga ito, na kahit tapos na siguro, matatandaan pa rin ng mga tao," tuluy-tuloy na pahayag ng model- turned-actor.



Kahit anong pilit namin kay Derek, hindi niya mai-reveal ang ending ng Ysabella.



"Ayoko namang maging anti-climactic," sambit niya. "Mas maganda pa rin yung mga sumubaybay sa soap ang makakaalam kung ano ang nangyari sa ending.



"Basta, ang masasabi namin, happy kami sa itinakbo ng story. Hindi siyempre kailangang i-reveal 'yon. Hindi ba, kahit alam na natin yung kuwento, mas gusto nating mapanood pa rin ng iba, para hindi ma-spoil ang fun? Ganoon lang yun," nangingiting pahayag ni Derek.



TEAM-UP WITH ANGELICA.
Ngayon ay higit na naa-appreciate ang tambalan nila ni Angelica Panganiban sa Maging Sino Ka Man.



"I'm happy for Angelica dahil nag-e-evolve nang husto yung character niya. Yun siguro ang gusto ng mga tao, yung maging klaro ang characterization, kung bakit siya nagiging masama sa kuwento, na eventually, magiging sympathetic pala. I think the soap is successful with that.

 

"Sa character ko naman, okay lang sa ganoon muna. Happy ako, kasi kailangang ma-establish pa nang husto ang involvement namin ni Angelica sa kuwento," sabi ni Derek.



Derek will be paired anew with Judy Ann sa susunod nitong teleserye sa ABS-CBN, ang Habang May Buhay.



"I'm excited with that. By that time, siguro patapos na ang second book ng MSKM at saka papasok ang Habang May Buhay, so I guess nagkakataon lang na nag-o-overlap. I have a nice contract with ABS-CBN and Star Cinema, kaya I know, maaalagaan pa ang mga susunod na exposures ko," lahad pa ni Derek.



Mukhang matino naman ang takbo ng relationship nila ni Angelica at walang kung anu-anong intrigang umeeksena sa kanila.



"Because I just keep things private, and we don't really have problems," paliwanag niya. "Wala sa aming selosan, because we're both secure with each other. Alam namin kung ano ang makakasira sa relasyon namin, kaya bakit namin gagawin?



"Siyempre, iiwasan na lang namin. Basically, that's the only rule we follow. At maganda yung naroroon sa amin yung mutual trust, para walang space for insecurities," pagtatapos ni Derek.