Marian Rivera is blissfully single with soft spot for tall guys

Dinno Erece
Friday, January 18, 2008 @ 02:38PM  |  26757 views

 

With her very hectic schedule, Marian Rivera says it's difficult for her to have a romantic relationship. But the Marimar star admits that she does go out on dates.

Photo By: Noel Orsal














Sa first presscon ng Valentine movie ng GMA Films and Regal Entertainment na My Best Friend's Girlfriend (BFGF) last Wednesday, January 16, sa GMA Network, "Tatlo" ang naging sagot in Marian Rivera sa tanong kung nakailang boyfriends na siya. Dagdag pa ng young actress, all are non-showbiz.

Sa ngayon daw ay wala siyang boyfriend, although she dates once in a while pero no commitment at all. Nag-e-enjoy lang daw siya talaga dahil feeling niya, hindi pa siya handing magka-boyfriend muli sa dami ng trabaho niya.

Bukod sa BFGF, grinding pa rin ang Marimar nila ni Dingdong Dantes sa TV. Sa March pa ito magtatapos.

ERVIC VIJANDRE. "Nagtampo" sa amin si Marian nang magkita kami sa said presscon dahil kami ang naglabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng picture ng isa sa mga ex-boyfriends niyang si Ervic Vijandre. Ang unang tanong ni Marian sa amin kung saan namin ito nakuha at kung paano namin ito nalaman.

Nahihiya kasi si Marian kay Ervic dahil kahit inamin ng young actress na in communication pa rin sila ng kanyang ex dahil they stayed friends, never daw natuwa si Ervic na nababanggit ang pangalan nito with Marian.

"Never niya akong ikinahiya, ha," paglilinaw ni Marian. "Baligtad pa nga, siya ang nahihiya kapag nadidikit ang pangalan ko sa kanya kasi ayaw niyang isiping ginagamit niya ako."

Nag-request sa amin si Marian not to divulge what she was about to tell us privately concerning Ervic na rin, so nag-promise kaming never namin itong isusulat. It turned out na may not-so-good effect pala sa propesyon ni Ervic nang lumabas ang information na naging sila nga ni Marian.

Although inamin din ni Marian na nagkikita pa rin sila as friends, hindi raw totoong nakita sila sa Alabang Town Center during the holidays to watch Desperadas.

"Inamin ko naman sa iyo na nag-uusap pa kami, so bakit kailangan ko pang itanggi na nanood nga kami that time? Pero hindi talaga, kasi after Christmas, balik trabaho ako agad for Marimar and this movie, so no time talaga," sabi ni Marian.

MARK HERRAS. Balik sa tanong tungkol sa boyfriend, when Marian stressed that all of her three ex-boyfriends were non-showbiz, naitanong sa kanya kung hindi ba naging sila ni Mark Herras. Sinabi raw kasi ni Mark sa isang interview na six months silang naging mag-on ni Marian.

Si Marian ang naging special guest ni Mark during his birthday two years ago at isang expensive shirt ang regalo niya kay Mark.

"Hindi kami naging mag-on," tanggi ni Marian.

"Actually, ‘pag nag-uusap kami ni Mark, tinatanong ko sa kanya... Kasi ang point niyan, inaamin ko na gusto ko talaga si Mark nung mga panahong ‘yon at MU [mutual understanding] talaga kami nun. Ang problema lang, yung pag-uwi niya ng New York... Basta may nangyari dun."

Ito kasi ang panahon na papuntang New York si Mark to do I Luv NY with Jennylyn Mercado, Jolina Magdangal, and Marvin Agustin.

Patuloy na kuwento ni Marian, "Ang sabi ko, after na umuwi siya at wala siyang ginawang kalokohan dun, sasagutin ko siya, official na kami. E, may nangyari yatang hindi maganda, e, tama na po. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Enough, tama ka na sa akin! Ayoko na sa ‘yo!'

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name