Actress Claudine Barretto returns to her first love, acting, via a horror series titled Maligno. She will reprise Ms. Susan Roces's character.

Photo: Noel Orsal


Balik-teleserye ang aktres na si Claudine Barretto pagkatapos niyang isilang ang anak nila ni Raymart Santiago na si Santino. Si Claudine ang bida sa horror series na Maligno, kung saan gagampanan niya ang papel na una nang ginawa ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces. Makakatambal dito ni Claudine si Diether Ocampo.

 

Happy si Claudine na muli siyang umaarte sa harap ng kamera.

 

"Feeling ko, ang tagal-tagal kong nawala. This is my work. This is my life. Masaya ako na mayroon ulit akong show na alam kong susubaybayan ng mga tao. Iba talaga ang horror sa drama. I really say that I live up to expectations of Ms. Susan Roces," sabi ni Claudine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Sa pagbabalik-telebisyon ni Claudine ay suportado naman siya ng kanyang mister na si Raymart. Bilang suporta ay laging dinadala ng aktor ang dalawang anak nila ni Claudine kapag binibisita niya ito sa taping ng Maligno.

 

"He brought the kids along para hindi ako ma-homesick at hindi ko sila masyadong ma-miss," sambit ng nagbabalik na aktres.

 

Maliban sa kanyang bagong project, masaya rin si Claudine dahil sa ilan pang blessings na natanggap niya.

 

"On the second week of December, we got the papers, the decision from the court na Sabina [her adopted daughter] is no longer a Barretto but a Santiago already. It's the first Christmas that she is with us. And my sister [Gretchen] came home," masayang pahayag ni Claudine.

 

Ibinalita rin ni Claudine na tuloy-tuloy na ang lagi nilang pagkikita at pagsasama ng dating nakaalitang nakatatandang kapatid na si Gretchen.

 

"Kami—Gretch, Marj, ako at Gia—we had the chance to spend time together having late lunch, late meryenda, ganyan, kuwentuhan," sambit niya.

 

Ano naman ang naging reaction niya sa mga matitinding kontrobersiyang kinasangkutan ni Gretchen?

 

"Funny, kasi kung kailan lumalabas yung mga ganyang intriga, namamatay agad kasi wala namang katotohanan," sagot ni Claudine.

 

Ang huling proyekto ni Claudine bago siya nanganak ay Walang Kapalit, kung saan nakatambal niya si Piolo Pascual.