"Okay lang naman kung manligaw si Jolo, and it doesn't bother me. Mabait naman siya. Pero hanggang ganoon na lang muna. We're just becoming very good friends," says Lovi Poe about suitor Jolo Revilla.

Photo: Noel Orsal


Nagbunga ang kaliwa't kanang publisidad na nagli-link romantically kina Lovi Poe at Jolo Revilla. Ilulunsad ang tambalan nila ng GMA-7 sa pagsasaserye ng Kaputol ng Isang Awit, remake ng isang Sharon Cuneta-Gary Valenciano movie. Sa halip na magkapatid na lalaki't babae ang anggulo, dalawang magkapatid na babae na lamang ang sentro ng istorya. Ang gaganap na kapatid ni Lovi sa pinaplanong teleserye ng Kapuso network ay si Glaiza de Castro.



May nagsabi sa amin that Jolo and Lovi are acting weird these days. Para raw kasing may itinatago ang dalawa, pero iba naman ang sinasabi nila.



Paliwanag ni Lovi, "Doon sa mga nakakakilala sa akin, hindi nila iisiping nagsisinungaling ako. Kasi naka-focus talaga ako sa career ko. Although it's okay naman na ligawan na rin ako, pero hindi ko pa talaga sinasagot si Jolo. Sa maniwala't hindi ang mga tao, friends lang kami. That's the truth. Ayoko talagang magsinungaling pagdating sa bagay na 'yan."



So what's stopping her? Bantay-sarado ang ginagawa ni Jolo kay Lovi. Araw-araw halos ay magkasama na sila, at kung hindi man, nag-aapoy ang linya ng telepono sa pagitan nila dahil sa pagte-telebabad.



"It's because I'm also studying, and I want to graduate," sabi ng dalaga. "Naka-enrol ako sa International Management School where I'm taking up Business Management. Hindi porke tapos ko na ang high school, titigil na lang ako. Gusto kong makapag-college. Okay lang naman kung manligaw si Jolo, and it doesn't bother me. Mabait naman siya. Pero hanggang ganoon na lang muna. We're just becoming very good friends."



Dagdag niya, "We're not acting weird. It's just that nagiging busy na rin kasi ako, with work and studies, then yung pakikiharap na rin kay Jolo. Kaya may mga nag-iisip na acting weird na kami."



Asahan lang na lalong pag-uusapan ang kaugnayan nila ni Jolo sa isa't isa. Negative naman ang reaksiyon ng ilan tungkol dito, na kesyo paglalaruan lang siya ni Jolo at bubuntisin.



"Wala akong magagawa kung pinangungunahan ako ng iba na mag-isip," sambit ni Lovi. "I appreciate that, kasi parang nagke-care din sila sa akin. Pinag-iisipan ko rin naman yung mga sinasabi ng ibang tao.



"Gusto ko lang sabihin sa kanila na sana'y ma-understand nila na ayokong maging unfair kay Jolo. Sincere naman siya sa pakikipagkaibigan sa akin, at kung nanliligaw man siya, hindi rin ibig sabihin nun na pinaaasa ko rin siya.



"I think that he also feels my point. That we like each other as friends. Therefore, ganoon na lang muna. Masaya kami sa ganoong set-up," depensa ng young actress.



Parang lumalabas tuloy na dahil napansin ng GMA-7 ang loveteam nila, sinasakyan na lang niya ang tungkol sa kanila ni Jolo.



"It's not what I mean," paglilinaw ni Lovi. "Nakita rin siguro ng GMA-7 ang potential na maging working team kami ni Jolo, since we also click as friends.



"Besides, ang iniisip na lang namin ni Jolo, medyo gawing seryoso yung parts namin sa teleserye para iba yung level ng team namin. We have to project something different, and he understands my point. We want to work as a team."

 

Hindi kaya sa halip na makatulong, makasira pa sa kanya itong association with Jolo?



"I don't think that way," sabi ni Lovi. "Hindi ko ito sinasakyan. Parang yung sa amin ni Cogie Domingo, kung hindi siya nawala sa eksena, magpapatuloy naman yung team-up namin. Hindi ako nakisakay. I'm just here, lalo kung nagugustuhan ng mga tao yung team-up, gagawin ko ang lahat to cooperate.



"Gusto ko rin siyempreng mag-succeed. Hindi ko naman iniisip na forever loveteam na kami ni Jolo. Mas maganda rin yung may nakakapareha ka, kasi palagay ko, yun ang gusto ng fans basically. I see no problem with my team-up with Jolo."