After teaming up in La Vendetta, Polo Ravales and Jean Garcia are once again paired in Regal Entertainment's Love Is All That Matters. Will romance spark again between the two?

Photo: Noel Orsal


Magpapatuloy sa pelikula ang "May-December affair" nina Polo Ravales at Jean Garcia na nagsimula sa horror-suspense series ng GMA-7 na La Vendetta. Sila uli ang magkapareha sa Regal Entertainment movie na Love Is All That Matters.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting, nalaman na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na marami silang kissing scenes sa naturang pelikula. Tiyak na iingay uli ang tsismis kina Polo at Jean sa muli nilang pagsasama, lalo kung may mga maseselang eksena.

Minsang ma-interview ng PEP si Polo, inamin ng sexy actor na crush niya si Jean noon pa man. Ayaw naman itong paniwalaan ng aktres.



Pero hindi pa man umeere noon ang La Vendetta at ilang eksena pa lang ang nakukunan, may mga nakakahalata nang may namumuong attraction kina Polo at Jean. Naalaala ng PEP nang ikuwento ni Polo ang panginginig ni Jean nang kunan ang love scene at kissing scene nila sa natapos na serye. Akala raw niya, siya ang nanginginig, hanggang makita niyang ang mga kamay pala ni Jean ang nanginginig.



Ang katuwiran ni Jean, matagal na siyang hindi gumawa ng love scene at kissing scene. Na-conscious pa raw siya dahil mas bata sa kanya si Polo. Pero nagawa naman daw nila nang maayos ang nasabing eksena.

May pakiramdam kami na kung sa La Vendetta nagsimula ang attraction nina Polo at Jean, magpapatuloy ito sa Love Is All That Matters na ididirek ni Don Cuaresma.