PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Bong Revilla dismisses rumor of pending heart bypass

Sen. Bong Revilla explains why he was rushed to the hospital and sheds light on his real condition.
by Ruel J. Mendoza
Published Feb 20, 2008
The doctor who attended to Sen. Bong Revilla reminded him to take it easy. "Sobrang stress ko lang sa trabaho," Sen. Bong shares the doctor's findings. "Dagdag pa ng duktor, sobra raw kasi ang workout ko. So, nakadagdag iyon sa stress ng katawan at utak ko."

Pinabulaanan ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. ang mga balitang baka mag-undergo siya ng heart bypass. Kumalat kasi ang balita nitong weekend na naospital si Sen. Bong dahil inatake raw ito sa puso. Hindi ito naka-attend ng birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada dahil naka-confine daw ito sa ospital.

CHEST PAIN. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Bong bago ito mag-taping para sa kanyang show na Kap's Amazing Stories at sinabing okey naman daw ang kanyang kalagayan, though hindi niya dine-deny na nagpa-checkup siya sa Asian Hospital dahil nakaramdam siya ng matinding chest pain.

"Last week nakaramdam na ako ng slight chest pain. Hindi ko ‘yun inintindi, kasi baka wala lang iyon. Pero later that week, nakaramdam ulit ako ng chest pain pero mas matindi. Mabigat at parang may hollow block na nakadagan sa dibdib ko. Kaya nagpatakbo na ako sa ospital.

"Sabi ng doctor, they have to run a few tests sa akin at hindi na ako pinaalis ng ospital. Doon, nag-worry na ako. Kasi baka nga may makita silang problema sa puso ko na hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After ng ilang test na mukhang okey naman, kinakailangan daw na i-angiogram nila ako. So, dinaan nila ang small tube na may camera sa may singit ko para makita nila how my heart was functioning.

"Kinakabahan ako all throughout kasi kapag may makita silang bara or anything wrong, baka ma-heart bypass ako. Napaka-health conscious ko pa naman! Umiiwas tayo sa mga pagkain na ma-cholesterol and I exercise daily. Kaya nakakapagtaka kung bakit ako nakaramdam ng gano'ng sakit."

HINAY-HINAY LANG. Nawala nga ang kaba sa dibdib ni Sen. Bong nang sabihin sa kanya na wala naman daw diperensya ang puso niya. Healthy raw ang heart niya at wala silang nakitang bara sa mga arteries.

"'Yung naramdaman ko lang daw na chest pains, baka sa sobrang stress ko lang sa trabaho. Alam n'yo naman ang trabaho natin sa senado at sa showbiz, walang katapusan, ‘di ba? Kaya raw siguro ako na-stress. Kailangan bawas-bawasan ko ang pagpupuyat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Dagdag pa ng duktor, sobra raw kasi ang workout ko. So, nakadagdag 'yon sa stress ng katawan at utak ko. I workout kasi almost every day. Hindi pala mainam iyon. Kailangan moderate lang ang workout at hindi ‘yung todo-todo."

NEXT BIRTHDAY NA LANG. Na-miss nga raw ni Sen. Bong ang dapat na pagsasama-sama nila ng kanyang barkada sa birthday party ni Sen. Jinggoy. Present sina Rudy Fernandez at Phillip Salvador noong gabing iyon.

"Alam naman nila kung bakit ‘di ako nakarating at nagkataon na birthday rin ng aking yumaong ina noong araw rin na iyon. So, mas naging priority natin ‘yung affair ng pamilya namin.

"Magkikita-kita pa naman kami ng barkada. Next na magbi-birthday, si Daboy sa March. Kaya magkakaroon ulit kami ng reunion," ngiti pa ni Sen. Bong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The doctor who attended to Sen. Bong Revilla reminded him to take it easy. "Sobrang stress ko lang sa trabaho," Sen. Bong shares the doctor's findings. "Dagdag pa ng duktor, sobra raw kasi ang workout ko. So, nakadagdag iyon sa stress ng katawan at utak ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results