Marimar leading man Dingdong Dantes joins other popular male stars, like Richard Gomez and Jomari Yllana, who agreed to be photographed wearing only Bench underwear.

Photo: Courtesy of Cosmopolitan


Last year, namayagpag all over the Metro Manila ang mga giant billboards nina Jay Cuenca, Bruce Quebral (after he joined Pinoy Big Brother Season 2), at Jon Mullaly a.k.a. Jon Avila (before his PBB Celebrity Edition 2 stint) wearing Bench underwear.

Wala na ngayon ang mga billboard na yun, pero may mga bago si Jake along EDSA na nakadamit na siya ng regular Bench wear.

Sa dating puwesto ng isang billboard ni Jon Avila sa EDSA rin, sa may bandang Guadalupe, Makati, makikita ang billboard ng isa sa bagong endorser ng clothing line ni Ben Chan, si JC de Vera ng GMA-7. Unlike yung billboard na pinalitan ni JC, "wholesome"—as in balot na balot—siya sa kanyang pinakaunang Bench billboard.

Ang magpapaka-daring sa mga forthcoming Bench billboards ay isa ring Kapuso ‘tulad ni JC. Walang iba kundi ang Cosmopolitan Philippines Hottest Hunk of 2007 na si Dingdong Dantes.

Kung sa nakaraang underwear na in-endorse ni Dingdong—yung Hanford—ay nakahubad lang siya ng pang-itaas, sa Bench ay todo-todo na ang pagiging sex symbol ni Dingdong.

Sabagay, sa special edition ng Cosmopolitan Hunks magazine ay pumayag na siyang lumabas sa cover at poster na todo-todong hubad ang katawan niya. Ito ay sa kabila ng ipinagpipilitan ng iba na binura lang sa Photoshop ang brief niya.

Kaya ang mga billboard na magpapakita ng sex appeal ni Dingdong ay ibang level na ng kanyang pagiging professional. Kagaya rin nang pumayag sina Richard Gomez, Jomari Yllana, atbp. na maging Bench underwear endorser.

Malaking press launch ang gagawin ng Bench para kay Dingdong sa Trinoma on March 8, na ayaw pang ipasabi para daw hindi ma-preempt. Pero ang balita ay balita kahit pagbali-baligtarin mo pa, lalo na tungkol sa isang major star kagaya ni Dingdong.