PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera still quiet about her next project after "Marimar"

Marian says she already knows her partner on her next project.
by Nerisa Almo
Published Feb 21, 2008
Marian Rivera is still not disclosing to the public her next project after Marimar. She just said, "Kung nagustuhan nila si Marimar, mas magugustuhan nila yung susunod dahil pambata nga yung gagawin ko."

Sa kabila ng mas lumalakas na balitang Dyesebel ang susunod na project ni Marian Rivera, patuloy pa rin ang pananahimik ng young actress tungkol dito.

Sa launching ng bagong produktong iniendorso ni Marian, ang Sunsilk shampoo, kahapon, February 20, sa Edsa Shari-La Hotel, Mandaluyong City, muling kinulit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News ang Marimar lead star sa kanyang next project.

Ayon kay Marian, "Sinisigurado ko sa kanila na yung susunod kong soap [opera], mas magugustuhan nila. Kung nagustuhan nila si Marimar, mas magugustuhan nila yung susunod dahil pambata nga yung gagawin ko."

Sinundan naman ito ng GMA News ng tanong na, "Magkakaroon ka ba ng buntot?"

Napasigaw si Marian at natatawang sinagot, "Basta abangan na lang nila! Basta gagawin ko 'to para sa kanila dahil alam ko na sobra-sobrang suporta ang ibinibigay nila sa Marimar. Ngayon, hindi ko kayo bibiguin. Dito sa next project, mas magiging maligaya kayo, lalo na yung mga bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong naman ng PEP, "May swimming ba sa susunod na project?"

Muling natawa ang aktres at sinabing, "Basta abangan nila. Excited ako kasi yung Marimar iba, e. Itong binigay sa akin ng GMA-7 na next project ko, sobrang challenging para sa akin at napakahirap niya kaya natsa-challenge akong gawin yun."

At dahil ayaw talagang ibigay ni Marian ang kanyang next project tinanong na lamang siya kung marunong ba siyang lumangoy. Matipid na sagot ni Marian: "Oo, marunong."

Nasabi rin ni Marian na kilala na niya ang kanyang magiging ka-partner sa susunod na project ngunit tumanggi siyang pangalanan ito. Aniya, "Meron na pero kilala ko na siya. Abangan nila yun and I'm sure kikiligin ulit sila."

Nabanggit din namin, na pabor din si Charlene Gonzalez, isa sa mga gumanap bilang Dyesebel sa pelikula, kung sakaling si Marian nga ang magiging Dyesebel sa TV adaptation nito. Muli, matipid ang naging sagot ni Marian, "Thank you. If ever na ako nga, ha?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera is still not disclosing to the public her next project after Marimar. She just said, "Kung nagustuhan nila si Marimar, mas magugustuhan nila yung susunod dahil pambata nga yung gagawin ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results