"Kahit naman magta-topless ako, hindi naman papayag si Direk Joyce Bernal, ganundin ang GMA-7, na magiging malaswa ang execution. Hindi gagawa ang network ng palabas na magpapababa ng integridad nila. Ang Dyesebel ay for general patronage, at sinisiguro kong mapapanood lalo ito ng mga bata," says Marian Rivera about going topless for her role as Dyesebel.

Photo: Dennis Mendoza


Hindi pa man nakaka-face-to-face ni Manay Ethel Ramos—manager ni Aga Muhlach at kinu-consider na "Dean of Phil Entertainment Journalism"—si Marian Rivera na ini-interview that very moment ni Ricky Lo ng Philippine Star, ay panay papuri na ang comment ni Ms. Ramos sa bida ng Marimar.

 

"Very pleasant, very positive ang aura niya, always smiling," sabi ni Ms. Ramos habang patingin-tingin kay Marian.

 

Nangyari yun sa launching kay Marian as endorser ng Karimadon clothing line earlier today, February 22, held at the Roma Maria restaurant in Podium Mall.

 

"Two years ago, nang nag-i-start pa lang ako sa showbiz, lumapit ako sa Karimadon to ask for their help kung puwedeng damitan nila ako. To my surprise, hindi na ako nagdalawang-salita, pumayag silang tulungan ako kahit unknown ako. So nitong lumalabas na ako sa Marimar at sila naman ang lumapit kung puwede akong mag-endorse ng Karimadon, siyempre po, 'yes' kaagad ako," umpisang kuwento ni Marian nang makaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama si Manay Ethel, and other members of the press.

 

HOT PROPERTY. No doubt, very hot property ngayon si Marian, hindi lang sa TV kundi pati sa pelikula at sa commercial endorsements. Pa-100 million pesos na raw this weekend ang box-office take ng pinagtambalan nila ni Richard Gutierrez na My Best Friend's Girlfriend.

 

Hindi bumababa sa 40 percent ang daily ratings ng Marimar sa Mega Manila—sa maniwala man tayo o hindi sa ratings—na matatapos na next month, at niri-ready na ang susunod niyang fantaserye, ang Dyesebel.

 

GOING TOPLESS. Yes, inamin ni Marian na willing at ready siyang mag-topless sa Dyesebel.

 

"Ayoko kasing maasiwa sa mga underwater scenes na lumalangoy ako bilang sirena, e, may inilalagay pang takip sa dibdib na hindi naman ako kumportable. Kaya inilagay ko na po sa isip ko na I'll play the role of Dyesebel, normal sa kanya bilang mermaid na topless siya.

 

"Napanood ko yung Dyesebel ni Alice Dixson at topless po siya doon. Hindi siya conscious kaya magandang lumabas," dagdag ni Marian.

 

"Kahit naman magta-topless ako, hindi naman papayag si Direk Joyce Bernal, ganundin ang GMA-7, na magiging malaswa ang execution. Hindi gagawa ang network ng palabas na magpapababa ng integridad nila. Ang Dyesebel ay for general patronage, at sinisiguro kong mapapanood lalo ito ng mga bata," pahayag pa ni Marian.

 

Sa thanksgiving party ng My Best Friend's Girlfriend noong Sunday, February 17, na-late si Marian dahil may pictorial siya for Dyesebel. Tinanong namin siya kung nag-topless na siya sa pictorial.

 

"Yes!" buong ningning niyang pag-amin. "Ready na ako sa ganun when I accepted the project."

 

SWIMMING LESSONS. Bilang paghahanda sa pagganap niya bilang Dyesebel, nakatakdang mag-intensive swimming lessons si Marian.

 

"Talagang natsa-challenge ako sa role kasi hindi naman ako marunong lumangoy, so mag-aaral pa ako. Sabi ni Direk Joyce, hindi lang langoy sa tabi-tabi ng dagat ang gagawin ko. Gusto niya, yung talagang underwater scenes na makikipaglaro ako sa mga makukulay na isda."

 

Bukod sa pag-aaral lumangoy, nire-ready rin ni Marian ang kanyang katawan para maganda ang dating ni Dyesebel sa TV.

 

"Okay naman ang weight ko ngayon, medyo slim pero okay naman sa TV. I measure 34-24-36. 'Pag nagge-gain ako ng weight, nagiging 36" ang boobs ko. Ang napapansin ko, kahit pumapayat ako, yung puwet ko, hindi lumiliit, 36 pa rin!" natatawa si Marian.

 

Marami pang naikuwento si Marian tungkol sa gagawin niyang Dyesebel, nang biglang maisip niyang, "Teka, ewan ko kung dapat ko nang sabihin sa press itong mga naikuwento ko sa inyo, kasi unless ang GMA-7 ang unang magpa-press release, dapat confidential muna," medyo ‘natauhan' si Marian.

 

"Hindi kaya pagalitan ako nito?" sabi pa niya.

 

Si Manay Ethel ang nag-assure kay Marian na walang magiging problema. "Magaganda naman ang ikinuwento mo, kaya mas mamahalin ka ng GMA-7," sabay request ni Manay Ethel na magpapakuha siya ng litrato kasama si Marian.