Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Charlene Gonzalez nang dumalaw ito sa huling gabi ng wake ng nanay ni Manay Ethel Ramos. Si Manay Ethel ang manager ng husband niyang si Aga Muhlach.
Ang sister-in-law niyang si Arlene Muhlach ang kasama niyang dumalaw sa burol. May taping kasi si Aga for That's My Doc.
PROUD AND EXCITED. Naikuwento ni Charlene how excited she is sa pag-e-air ng bago niyang show sa QTV-11, ang Proudly Filipina. Nakapag-tape na siya for three episodes at very happy pa niyang ikinuwento sa amin, no less than Diamond Star Maricel Soriano ang featured Filipina nila.
"Ang saya ng naging taping namin. Ang ganda ng episode namin na yun with Maricel. Ang dami rin naming napagkuwentuhan. Pati yung kaibahan noon at ngayon sa showbiz," kuwento pa ni Charlene sa amin.
Nag-a-advance taping na raw siya for Proudly Filipina dahil nakatakda silang umalis nina Aga at ang kambal nilang sina Atasha at Andres for the U.S. Manonood kasi sila ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas.
"It will also serve as vacation for all of us, for the family. Graduation na
rin kasi nila [Atasha and Andres] sa school this March. So, tamang-tama lang. Si Aga nga lang, medyo mauuna siyang bumalik sa amin dahil
may mga commitments pa siya. Me and the kids can still stay up to two
weeks siguro," lahad ni Charlene.
TRY ACTING ON TV. Napunta sa soon-to-be aired GMA-7 fantaserye na Dyesebel ang aming pag-uusap. Naitanong tuloy namin sa kanya kung ito na kaya ang chance for her to try serious acting on TV, lalo na't siya ang pinakahuling aktres na gumanap na Dyesebel sa pelikula.
"Naku, patay tayo diyan!" natatawang bulalas ni Charlene. "Hindi ko
alam. Pagdating sa mga ganyang bagay, I think, you have to ask Aga kung papayag
ba siya," dagdag pang sagot ng dating Bb. Pilipinas-Universe.
Dati na raw may mga nagtatanong sa kanya kung puwede ba siyang gumawa ng drama
series o soap opera. Kaya nga lang, wala pa naman daw direktang nag-o-offer sa
kanya. At ngayong gagawin na ang Dyesebel for TV, may tanong na rin kung
puwede ba siyang gumanap as part of the cast.
"Ako yung magsasalin sa kanya ng kabibe!" pabiro't napahalakhak si Charlene. Lumabas na rin daw kasi ang ama niyang si Bernard Bonnin sa TV version of Palos, being the original Palos himself.
On a serious note, mahaba at malalim na pag-uusap daw siguro ang mangyayari
if ever dumating na yung offer for her to do a soap opera or to go back to
acting on TV.
"Si Aga talaga ang makakasagot sa bagay na ‘yan at kung papayag ba siya," seryosong pahayag ni Charlene. "Baka mas siya pa yung dapat kausapin kaysa sa mommy ko!
"Mukhang ang dami yatang pagdadaanan. Aside from my mom [Elvie Gonzalez, who also happens to be her manager], si Aga pa. Mabuti na lang yung kambal, mga bata pa, or else, baka pati sila dapat ding konsultahin."
TV HOSTING. Hindi ba nami-miss ni Charlene ang pag-arte sa harap
ng kamera? Puro na lang kasi siya hosting.
"Honestly, hindi ko alam," sagot niya. "Hindi ko alam kung nami-miss ko ang acting
because I'm enjoying what I'm doing right now, which is hosting. Kahit
yung sa At Home Ka Dito noon, sobrang nag-enjoy ako ro'n at ang dami ko
ring natutuhan. Dito nga sa Proudly Filipina, obviously, sobrang
enjoy rin siyang gawin. At lahat din ng mga shoot namin, puro location.
"At saka enjoy rin ako sa mga bata [Atasha and Andres]. They are growing fast.
Next school year, magge-grade one na sila. Hindi pa lang namin alam ni Aga
kung saan namin sila ipapasok na school. So, we're still looking around.
"And with my husband, napakabait ng asawa ko. Ang suwerte ko sa asawa ko," very proud pang pahayag ni Charlene na tila ganti sa sinabi noon ni Aga sa isang interview na napakasuwerte niya kay Charlene.
