PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla keeps hands off Lani-Ruffa "snubbing incident"

Bong Revilla explains his side at Rudy Fernandez's birthday party about Lani-Ruffa "snubbing incident."
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 6, 2008
"Panahon pa nga ni Mahoma ‘yon, e! I guess wala naman akong kinalaman sa nangyari sa kanila that night. Hindi ko naman alam ang nangyari talaga between Lani and Ruffa," emphasizes Bong Revilla when told that an old intrigue linking Ruffa Gutierrez to him in the past might be the reason behind wife Lani Mercado's "snubbing."
Sa ika-56th birthday party ni Rudy Fernandez na ginanap sa Wack Wack Country Club last Monday ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. Mainit kasing usap-usapan ngayon ang diumano'y isnabang nangyari sa pagitan ng misis niyang si Lani Mercado at ni Ruffa Gutierrez sa birthday party ni GMA-7 vice-president for entertainment na si Ms. Wilma Galvante last February 22 sa Century Imperial Palace Hotel.

Bagama't umiiwas si Bong Revilla na ma-interview ng reporters, nagpaunlak naman siya ng panayam nang ma-corner siya sa party. Kapansin-pansing wala sa party si Lani. Haka-haka tuloy ng ilang press people, umiiwas talaga si Lani na makausap ng press regarding the incident with Ruffa.

WALANG PAKIALAM. Nang tanungin na si Sen. Bong hinggil sa pinag-uusapang insidente, sinabi niyang hangga't maaari ay ayaw niyang makialam dahil pakiramdam niya'y hindi siya involved doon. Kung ang sinasabi raw ng iba ay may kinalaman sa pagkaka-link ni Ruffa noon sa kanya, matagal na panahon na raw iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Panahon pa nga ni Mahoma ‘yon, eh!" malakas na tawa ni Bong na tila inulit lang ang nabanggit ni Ruffa sa kanyang interview.

"I guess wala naman akong kinalaman sa nangyari sa kanila that night. Hindi ko naman alam ang nangyari talaga between Lani and Ruffa. Kung may nang-snub or wala, sana ay hindi na lang pinalaki ‘yon. Kasi marami ang nadadamay.

"Nagulat na lang kami kasi biglang naging topic of discussion ‘yon sa isang show which hindi naman dapat sana."

Sa party pa rin ni Daboy, nasaksihan ng PEP nang batiin ni Sen. Bong si Ruffa, pati na ang mga magulang nitong sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. May mga nagsabi na personal na choice lang siguro ni Lani ang ‘di batiin si Ruffa dahil sa mga nakakakilala kay Lani. Hindi raw ito ang tipo ng tao na makikipagplastikan pa sa taong ‘di naman niya gustong batiin.

Hindi pa rin nagpapaunlak ng interview si Lani sa kahit na anong TV talk show hanggang ngayon. Ang nagsasalita na lang para sa kanya ay ang manager nila ni Bong na si Ms. Lolit Solis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahapon ay lumipad patungong U.S. sina Bong at Lani para dumalo sa isang parangal na gaganapin sa Kodak Theater sa Hollywood. Tatanggap ng award si Bong dahil hinirang siyang isa sa outstanding Pinoys ng isang samahan doon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Panahon pa nga ni Mahoma ‘yon, e! I guess wala naman akong kinalaman sa nangyari sa kanila that night. Hindi ko naman alam ang nangyari talaga between Lani and Ruffa," emphasizes Bong Revilla when told that an old intrigue linking Ruffa Gutierrez to him in the past might be the reason behind wife Lani Mercado's "snubbing."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results