"Sobrang laki talaga ang naitulong sa akin ng Pinoy Dream Academy dahil nag-start po kami talaga, sobrang ordinary
story, e. Nanggaling po sa hirap yung pamilya namin....At siyempre, yung mai-share ang music mo sa mga
tao, yung mga isinusulat mong kanta, yun ang pinakamasarap na part," says the highly successful young singer Yeng Constantino.
Yeng Constantino shares life changes and lessons learned in "Pinoy Dream Academy"
Saturday, March 8, 2008
11:13 AM
Rating
Pinoy Dream Academy (PDA) had a big impact on Grand Star Dreamer Yeng Constantino's life—the reality search opened the door to many opportunities for Yeng and brought her acclaim in showbiz. A bright future awaits her.
Dati'y simple at ordinaryong kabataan si Yeng. Ngayon ay isa nang kilalang pangalan sa music industry at idolo ng kabataan, at patuloy pa rin ang kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay. Dahil sa PDA, hindi lang niya natupad ang kanyang pangarap, nabago pa niya ang kanyang buhay at ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Tunay ngang ipinapakita ni Yeng at ng PDA na nothing is impossible when you dream big.
Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ni Yeng sa napakalaking naitulong ng pagkakapanalo niya sa reality search na ito.
"Sobrang saya ko talaga at hindi ko ini-expect ang lahat ng ito. Nung sumali ako sa PDA, ang gusto ko lang naman ay makatulong sa pamilya ko at maparinig ang musika ko," pahayag ni Yeng sa pagbubukas ng bagong season ng Pinoy Dream Academy at Pinoy Big Brother Teen Edition Plus kahapon, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
"Sobrang laki talaga ang naitulong sa akin ng Pinoy Dream Academy," patuloy ni Yeng, "dahil nag-start po kami talaga, sobrang ordinary story, e. Nanggaling po sa hirap yung pamilya namin. Nahihirapan po talaga yung parents ko dati. Pero sobrang sarap ng pakiramdam na ngayon ay nakakatulong ka na sa magulang mo, yung kapatid mo nabibigyan mo ng pinansiyal na suporta para makapag-aral. Sobrang sarap sa pakiramdam!
"Kasi po bunso ako, pero alam ko ang responsibilidad. Alam ko yung ibig sabihin ng pagmamalasakit sa mga kapatid at sa kamag-anak namin, kaya ‘ayun. Yun ang pinakamalaking naitulong ng PDA, yung makatulong kami sa pamilya namin. At siyempre, yung mai-share ang music mo sa mga tao, yung mga isinusulat mong kanta, yun ang pinakamasarap na part. Yung makagawa ka ng mga kanta, marinig ng mga tao," pahayag ni Yeng.
THE BEGINNING. Nagsimulang magtrabaho si Yeng sa edad na 14 upang magbigay-daan sa pag-aaral ng mga nakatatandang kapatid. Nagsilbing big break ni Yeng ang mapasali sa Top 20 scholars ng PDA.
Hanggang ngayo'y sariwang-sariwa pa sa alaala ng rakista mula sa Montalban, Rizal, ang kanyang hindi malilimutang audition kung saan siya'y umeksena at mapangahas na umapila sa mismong direktor at head ng show na si Laurenti Dyogi.
"Hindi niya kasi pinatapos yung kanta ko, ‘tapos sabi niya na 'thank you.' E, ako naman, sabi ko 'Thank you lang po? Ganun lang po?' Natawa siya and ayun, pinapirma ako. Kung hindi ko ginawa 'yon, siguro hindi ako natanggap," pagbabalik-tanaw ng dalaga.
"Natutuwa po ako sa tiwala nila sa akin at sa musika ko. Yung pagkakapanalo ko po kasi sa PDA, yung talagang nagbago hindi lang ng buhay ko, pati na rin ng pamilya ko. Kaya po sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila."
Bukod dito, utang din ni Yeng sa PDA ang mga naging pagbabago sa kanyang pagkatao. Kung dati'y siya ay iresponsable, makalat sa gamit, laging nakasandal sa magulang, at hirap makisama sa ibang tao, ngayo'y ganap na niyang nabago ang mga ito.
"Natuto po akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong maging independent, at natuto akong makisama sa tao. Ang laki talaga ng epekto sa akin kasi hanggang pagtanda ko, dala ko na 'yon. Natuto din pala akong maglaba!" natatawang kuwento ni Yeng.
Bukod sa pagkakaroon ng triple platinum status ng kanyang debut album, sold-out na solo concert, matagumpay na world tours, at sandamakmak na awards, nai-release na rin kamakailan ang pangalawang album ni Yeng na Journey. Kaya naman marami na ang nagsasabi na siya na ang pinakamahusay at pinaka-promising singer-composer ng kanyang henerasyon.
PDA SEASON 2. Sa darating na Mayo, enrollment na naman para sa Season 2 ng Pinoy Dream Academy at tulad ni Yeng, ilang buhay na naman ang magbabago at ilang pangarap ulit ang matutupad. Kaya ang payo ng pinakaunang valedictorian ng academy sa mga future scholars ay:
"Pag nandoon na sila sa loob, itutok lang nila yung isip nila sa dreams nila. Isipin talaga nila kung ano yung purpose nila kung bakit sila nandun. Kasi marami silang matutunan sa loob ng bahay, maraming magiging kaibigan.
"Kailangang tatagan ninyo ang sarili n'yo. ‘Tapos kailangang galingan n'yo para mai-prove ninyo na talagang deserving kayong mapasama sa academy. Dapat i-enjoy nila ang pag-stay sa loob dahil nakaka-miss talaga kapag nasa labas na, e. Dapat ding maging totoo sa kanilang mga sarili."
WORST INTRIGUE. Dahil nasa mundo na nga si Yeng ng showbiz, tinanong namin kung anong pinakamalalang intriga ang kanyang kinaharap mula nang pumasok siya sa industriya. Paano niya na-handle ang ganoong situwasyon?
"Ako po, yung sinabihan yung papa ko na 'addict' daw po," sabi ni Yeng. "Nagalit po talaga ako, kasi sobrang papa's girl po talaga ako. ‘Tapos alam ko po kung paano niya po ako pinalaki. Medyo nakakainis po, doon po talaga ako nagalit. Nasasaktan ako 'pag mga ganoong intriga.
"Gusto ko lang linawin na ang papa ko po ay hindi addict," diin ni Yeng. "Asthmatic po siya, hindi po siya nagte-take ng kahit ano, hindi po siya naninigarilyo, nag-iinom, wala po siyang bisyo kahit sugal. Lahat po ng intriga sa akin hindi ako naapektuhan, pero ito po sinasabi nila tungkol sa papa ko, dun po ako naapektuhan. Siyempre, tatay ko 'yon, Papa's girl ako kaya ipagtatanggol ko. Sobrang bait na tao nu'n at maraming taong magpapatunay diyan."
Isa pang intriga na ikinaloka ni Yeng ay ang isyu na may anak na raw siya.
"Medyo naapektuhan ang family ko sa issue na 'yon, e. Yung pamilya kasi namin, ni-raise kami sa Born Again nung bata pa kami, kaya medyo hindi kami sanay 'pag ganoong usapin , lalo't walang katotohanan ang isyu," pahayag ni Yeng.
CAREER MILESTONES. When asked kung ano naman ang maku-consider niyang pinaka-bonggang nangyari sa kanyang career, sagot ng magaling na singer: "Nung magkaroon ako ng first major concert, ‘tapos po yung album ko na Salamat, nung mag-Gold po ito. Yun ang pinaka-memorable sa akin."
Paano naman siya name-maintain ang magandang status ng kanyang career?
"Sa akin po, nakatulong yung pag-train nila sa amin sa Academy. So paglabas, na-apply po namin lahat ng natutunan namin. Pinalago pa namin with discipline saka pagmamahal sa trabaho talaga. ‘Tapos, pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nagbigay sa iyo ng trabaho, yung mga taong nakakita sa 'yo ng talento. Yun po ang mga bagay na nakatulong. And yung pagmamahal sa mga taong sumuporta, kasi 'pag minahal mo sila, mas mamahalin ka nila, mas higit pa," sagot ni Yeng.
Ano naman sa tingin niya ang dapat pa niyang i-improve para mas lalong magtagal sa industriya?
"Ako kasi sa music talaga naka-based, pero siyempre, marami pa rin akong gustong i-try, like acting. Nagwo-workshop ako dahil aminado akong hindi pa ako sanay sa pag-arte. Nagte-training na ako, magiging part ako ng Astigs and, hopefully, makagawa rin ako ng episode sa Your Song. Gusto ko rin pong maging magaling na host, medyo dun po ako kulang kasi medyo nabubulol ako kaya siguro dapat 'yon ang i-improve ko."
Inintriga rin si Yeng ng press dahil balitang mahal daw ang presyo niya kaya medyo lumamlam ang kanyang career nitong mga nagdaang buwan. Naramdaman ba niya ito?
"Naku, hindi naman po. Hindi totoo 'yan. Naramdaman ko rin 'yon for a while, pero siguro talagang ganito lang ang siklo ng career ko. Thankful pa rin ako dahil may mga projects pa rin ako, may bago akong album at nasa ASAP pa rin po, " pagwawakas ni Yeng.
- Yeng Constantino says she is "guarding her heart"; hopes to penetrate the Asian music scene
- Yeng Constantino holds second major concert after four years
- Yeng Constantino on her father: "Siya 'yong teacher ko, 'yong best friend ko."
- Yeng Constantino: "Sa pambenteng ulit po, hindi po ako tomboy."
- Yeng Constantino at 21: "Siguro naman may karapatan na akong umibig."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
The Pulse
What PEPsters will watch daily during noontime...
Hosts of both Eat...Bulaga! and It's Showtime! believe that having the same timeslot is a healthy competition.
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

