Annabelle Rama wants public apology from Lolit Solis

Nerisa Almo
Monday, March 10, 2008 @ 03:37PM  |  16 views

 

Lolit Solis (inset, top) has opened the idea to finish the snubbing issue between her talent Lani Mercado (inset, bottom) and Ruffa Gutierrez. However, Annabelle Rama (main photo), mother of Ruffa, replied, "Pero ikaw [Lolit] ang nag-umpisa, ako ang tatapos. Hindi dapat ikaw ang magtapos, ako ang magtatapos sa isyu, okay?"

Photo By: Noel Orsal













Patuloy pa rin ang palitan ng mga maaanghang na salita sa pagitan ng kampo nina Annabelle Rama at Lolit Solis. Ito ay bunsod pa rin ng diumano'y pang-iisnab ng talent ni Lolit na si Lani Mercado kay Ruffa Gutierrez, anak ni Annabelle, sa birthday party ng TV executive na si Wilma Galvante.

Sa kabila ng pananahimik ni Lani ukol sa isnaban isyu na naikuwento ni Ruffa sa The Buzz, hindi naman napigilan ni Lolit na ipagtanggol ang kanyang anak-anakan na si Lani. Bagay na hindi rin pinalampas ng ina ni Ruffa na si Annabelle, at hinamon pa ng suntukan ang StarTalk co-host.

Matapos nito, nagbigay na ng kanyang intensiyong makipagbati si Lolit sa Startalk noong Sabado, March 8. (Click here for the story). Sa katunayan, pabiro pa niyang sinabi, "Naku, Annabelle, Bisaya. Huwag ka nang magalit sa akin, 'no! Hindi ko inaagaw si Eddie Guttierez, ‘no! Iyong-iyo na ‘yan!"

Bilang paliwanag, sumagot din si Annabelle Rama sa The Buzz kinabukasan, March 9, at inilahad ang kanyang panig tungkol sa isyu.

THE BEGINNING. Upang linawin ang mga pangyayari, unang tinanong ng The Buzz co-host na si Boy Abunda kay Annabelle kung paano nagsimula ang isyu sa pagitan nila ni Lolit.

Ayon kay Annabelle, "Nagsimula 'yan sa The Buzz, okay? Tumawag sa akin si Ruffa last week, ‘Mommy,' sabi sa akin, ‘kailangang sagutin ko yung issue naming dalawa ni Lani. Sabi ko, ‘Huwag ka nang pumatol sa ganung isyu dahil ang kalaban mo, walang career, baka gagamitin ka,' sabi ko sa kanya. Tumawag siya ulit sa akin, ‘Hindi raw puwedeng hindi ako sasagot dahil host ako sa show, kailangan i-explain ko.' Sabi ko, ‘Idaan mo na lang sa biro. Huwag mo na lang seryosohin.' Siguro nagbiro si Ruffa, hindi natanggap ng kabila, okay?

"The next day, birthday ni Daboy [Rudy Fernandez], lumapit sa akin si Bong [Revilla], sabi sa akin, ‘Puwede ba huwag nang palakihin ang gulo? Nakikiusap ako sa 'yo.' Sabi ko, ‘Bong, maaasahan mo ako. Unang-una, napaka-cheap ng isyung ito, isnaban lang papalakihin ko pa. It's not worth it, mauubos ang aking oras diyan.' Sabi ko, ‘Maaasahan mo ako, Bong, hindi ako sasagot, hindi ako magpapa-interview.' So yung party ni Daboy, wala akong reporter na sinasagot, wala akong reporter na ine-entertain.

"The next day, si Ruffa umiyak sa akin. Sabi niya, ‘Mommy, nabasa mo ba yung newspaper? Napakasama naman ng sinasabi ni Lolit Solis sa akin, below the belt.' Sabi ko, ‘Ruffa, ayaw kong makipag-away this time, tumahimik ka na diyan. Huwag ka na magbasa ng diyaryo para hindi maging bad mood ka.' Tawag siya, ‘Mommy, basahin mo nga.' Sabi ko, ‘Ruffa, busy akong nagbabasa ng script ko, mine-memorize ko ang dialogue ko para sa shooting natin bukas.' Iyak siya nang iyak sa akin, sabi ko, ‘Basahin ko na nga.' E, di binasa ko, ang sama-sama, okay?"

DIFFERENT ISSUE. Ayon pa kay Annabelle, isa sa mga pinagtatakhan niya ay kung bakit ipinasok pa ni Lolit sa kanyang radio interview sa kanya ni Ogie Diaz sa Wow, Ang Showbiz! ang mga babaeng naghahabol daw kay Bong Revilla.

"Ang isyu ni Lolit, hindi nakatutok dun sa isyu ng isnaban," paliwanag ni Annabelle. "Ang isyung ginagawa niya, puro Bong at puro Lani. Pabalik-balik, sinasabi niya sa kanyang interview, ‘legal wife.'

"Lani, wala nang aagaw sa iyo, 'Day. Kung si Ruffa ang inaasahan mo na aagaw sa asawa mo, nagkakamali ka. Maski wala si Yilmaz [Bektas] sa buhay ni Ruffa ngayon, wala siyang panahon agawin ang asawa mo. Iyung-iyo na, isaksak mo sa baga mo kung gusto mo, okay?"

Patuloy ni Annabelle, "Nangyari 'yan, Boy, kaya ako nagagalit naman, ang sabi ni Lolit, ‘Mga babae ni Bong naglalaway sa kanyang ano...' Ayaw ko nang ulitin yung iba pang word, baka pagtatawanan na naman ako sa English ko, okay?

"Naglalaway daw siya [Ruffa] kay Bong. Bakit napunta doon ang isyu? Si Ruffa hindi naglalaway kay Bong, okay? Kanya-kanya na, baka ibang babae ang gustong umagaw kay Lani, hindi si Ruffa. Laging pinapasabi sa akin ni Lolit na ganyan."

"PARA AKONG TINATRAYDOR." Kuwento ni Annabelle, bago pa man lumaki ang isyu, nakausap na niya diumano si Lolit at hiniling na manahimik na lamang sa isyu.

"Ang ayaw ko lang kay Lolit," ani Annabelle, "kaya ako nagalit sa kanya kasi tinawagan ko siya, e. Sabi ko, ‘Lolit,' sabi ko, ‘nakiusap sa akin si Bong, kung puwede lang huwag na kayong kumibo at hindi ako kikibo.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name