Handa nang makipagsabayan ang Drama Prince ng GMA-7 na si JC de Vera sa primetime via Gilda Olvidado's Babangon Ako't Dudurugin Kita opposite Drama Princess Yasmien Kurdi. Also in the cast are some of the country's most versatile actors and actresses like Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, and Ms. Dina Bonnevie in a very special role.
First time masasabak ng binata sa primetime slot kaya excited siya sa pagsisimula ng serye sa darating na March 24. "This is our third Sharon Cuneta movie starrer, kami ni Yasmien. The first two was Sine Novela presents Pati Ba Pintig ng Puso? and Pasan Ko ang Daigdig, both are afternoon dramas, kaya bale first primetime soap namin together ni Yasmien ang Babangon.
"This is something big and unexpected actually sa akin. Nakaka-pressure in a way but I have to prove myself na hindi sila nagkamali sa pagbibigay sa akin ng ganito kalaking break sa career ko," unang chika ni JC nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, last night, March 12 sa Oasis, Aurora Boulevard, Quezon City.
Nararamdaman ba niya na isa siya sa mga paborito ng Kapuso network dahil sa
sunud-sunod niyang projects, sa TV at maging sa pelikula?
"Siguro hindi naman po favorite talaga, ano lang siguro, isa lang ako sa
nabibigyan ng chance. Happy ako dahil nabibigyan ako ng magagandang projects
and I owe it siyempre sa manager ko, sa GMA-7, at sa mga taong naniniwala sa
kakayahan ko as an actor," sagot ng guwapong aktor na gumaganap as Derek
sa serye.
Hindi ba siya napi-pressure dahil isang magaling at batikang direktor sa
katauhan ni Direk Joel Lamangan ang humahawak sa kanila?
"Well, hindi naman. Malaking bagay na naging direktor namin si Direk Joel
and malaking bagay rin na sa first primetime show ko na lead, si Yasmien yung
kasama ko. Malaking bagay talaga kasi yung confidence ko lalong tumataas dahil
alam kong hindi nila ako pababayaan.
"Sobrang comfortable na kami and even with Direk Joel, sobrang laki ng itinutulong niya sa akin, kaya ngayon sobrang confident na kami."
THE DIREK JOEL EXPERIENCE. How goes his experience in working with Direk Joel
Lamangan?
"Wala kaming problema kay Direk. Ang saya-saya namin at ang aga-aga naming
napa-pack-up parati sa set. Nakatrabaho ko na siya sa Pasan, second
straight ko na siyang nakatrabaho.
"Si Direk Joel, very professional. Masyado siyang disciplinarian, ayaw niya talaga yung nale-late, yung mababagal kumilos. Ayaw niya talaga yung papasok ka sa set na hindi ka prepared. So kami, ang ginagawa namin, homework talaga kami, once na nakuha namin yung script, pinag-aaralan agad namin. Well-prepared kami 'pag dumarating sa set kasi nga strict talaga si Direk.
"Overall, sobrang okey siya. Very different si Direk sa ibang director. Magkakaroon ka ng comparison once na makatrabaho mo siya. Excited kami magtrabaho dahil 12 midnight pack-up na kami, " mahabang kuwento pa ni JC tungkol sa batikang direktor.
PLAYING A BEMBOL CHARACTER. Ang character na ginampanan ni Bembol Roco
sa movie version ang ginagampanan ngayon ni JC sa primetime teleserye. Ano bang
preparation ang ginawa niya for the role?
Paglalarawan ni JC, "More on physical ang ginawa ko, nagpa-trim ako, nagpapayat pa akong lalo
para mas magmukha akong bagets, nagtanggal ako ng bigote at nagbago ako ng
hairstyle. Kasi yung past show ko, yung Pasan, medyo mas matured
compared dito. So, dito, kailangan kong mag-tone down ng kaunti. Dito ngayon,
medyo nasa dark side kami, mga gang wars. Kinuha yung highlights noong original
movie at nagdagdag ng ibang cast para madagdagan ng twists."
Hindi ba siya nangangamba na posibleng magkaroon ng comparison ang acting niya sa FAMAS and Urian award-winner na si Bembol Roco?
"Ang parati naman pong sinasabi sa amin, ‘pag may ginagawa kaming dating
movie na ginagawang serye sa TV, sinasabi sa amin, huwag niyong totally gayahin
kung anuman yung ginawa ng actors sa original. At least, gumawa kayo ng sarili
ninyong style kung paano ninyo aatakihin yung character," ani JC sa amin.
Pero mapapantayan kaya ni JC ang acting ni Bembol Roco?
"Feeling ko hindi. Kasi ibang atake yung ginawa ko."
ABOUT MS. D. Kinumusta rin namin kay JC ang experience niyang
makatrabaho ang iba pang kasama sa serye, tulad nina Angelika dela Cruz at
Ms. Dina Bonnevie.
"Lahat sila hindi ko ini-expect na ganoon ka-friendly, na very warm yung
pag-welcome nila sa mga katulad namin. Si Ms. D, masyado siyang makuwento,
walang dull moments sa kanya.
"Noong una, nakaka-intimidate siya pero once na makausap mo na siya, wala ka nang problema. Very open siya kahit personal questions sinagot niya," kuwento pa ni JC tungkol kay Ms. D.
BLESSED WITH YAS. Ilang beses nang nagtambal sina JC at Yasmien, hindi
tuloy maiwasang pag-isipan kung wala pa bang namumuong "pagtitinginan" sa
kanila. Ano na nga ba ang status ng relationship nila ni Yas?
"Thankful and very blessed ako na si Yas talaga ang nakaka-partner ko, as
in very blessed ako na umabot kami sa ganito.
"Kung tatanungin nyo kung may nade-develop sa amin, siyempre after each show, meron talagang nadi-develop. Hindi ko actually, ma-explain kung anong tawag sa 'special friendship' namin. Minsan yayakapin ko siya, yayakapin niya ako. Minsan hahawakan ko ang kamay niya. Sobrang comfortable na kami sa isa't isa, na wala na kaming malisya sa isa't isa. Mas dumagdag na yung tawagan namin, regular na ang pagti-text namin sa isa't isa. Busy lang yung scheds namin kaya hindi kami nakakalabas madalas. But once in a while nakakalabas naman kami.
"Nag-post Valentine's Day dinner kami together. Wala lang akong gift. Aminado naman kasi ako na hindi ako ganoon ka-thoughtful talaga. Pero mas masasabi ko, mas malambing kasi ako kesa sa magbibigay ako ng kung-anu-ano," kuwento pa ni JC.
Balita ring pinagseselosan na raw niya ngayon ang tunay na boyfriend ni
Yasmien.
"Ewan ko po. ‘Pag magkasama kami hindi namin pinag-uusapan yon, e. Kapag
kaming dalawa ang magkasama, kaming dalawa ang pinag-uusapan namin, sa aming
dalawa lang. Tinatanong ko naman siya pero nirerespeto ko yung desisyon niya na
tahimik na lang about it. Hindi naman siya nagde-deny, e. Hindi ko rin
inuungkat ang love life niya."
Ano ba yung qualities ni Yasmien na gustung-gusto niya?
"Yung eyes niya maganda, yun nga ang sinasabi ng iba na pareho raw kami.
Bagay raw kami kasi yung eyes namin parang nagko-connect daw. Si Yasmien kasi,
may charm na hindi ko ma-explain, e.
"Yung friendship namin, nasa level na kami na napag-uusapan na namin na kahit anong sikreto at problema, puwede naming sabihin sa isa't isa. Yun ang puwede kong ipagmalaki ngayon, may usapan na kami na personal na talaga. Dati kasi, tamang comfortable, ngayon feeling ko parang soulmates na nga kami, e," pagkukuwento pa ng binata sa closeness at friendship nila ni Yasmien.
ON LEVEL WITH ‘CHARD? Since siya ang binansagang Drama Prince ng GMA-7,
masasabi ba niyang magka-level na sila ni Richard Gutierrez pagdating sa
kasikatan?
"No comment ako diyan. Kasi si Richard, si Richard na yun, e. Parang kapatid ko na rin si Richard. Hindi ako nag-e-expect na soon ay magiging katulad ko si Richard.
"Flattered ako 'pag nako-compare ako kay Richard. Actually, isa siya sa mga hinahangaan ko, kasi very professional talaga. Very dedicated. Yung pag-iisip niya towards work, iba, e. Iba talaga. Naa-adopt namin [yung pagiging very professional ni Richard]." Manager kasi ni JC ang mommy ni Richard na si Annabelle Rama.
"At si Richard, grounded at very humble pa rin, hindi siya nagbabago. Anytime puwede pa rin namin [other talents of Annabelle Rama] siyang i-approach. Flattering na ma-compare ako sa kanya. It's really an honor. Lahat naman gustong ma-reach yung narating ni Richard. But as much as possible I want to build my own name.
"Idol ko sina Christopher de Leon and Johnny Delgado and someday gusto ko ring ma-achieve yung narating at nagawa nila sa industry," pagwawakas ni JC sa aming interview.