PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal-Gabby Concepcion movie is a go!

Jolina Magdangal is excited to go to Europe for her movie with Gabby Concepcion.
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 13, 2008
Jolina Magdangal says she prayed really hard for her movie with Gabby Concepcion to push through.

Masayang-masaya si Jolina Magdangal dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion. Love Cruise ang working title ng movie.

Natuloy nga ang story conference sa Manila Polo Club in Makati City para sa naturang film project ng GMA Films na kukunan sa Europe, particularly sa Amsterdam, Netherlands; at sa Italy. Sa isang luxury cruise liner sa Genoa, Italy nila kukunan ang maraming eksena ng pelikula. Gumaganap si Jolens dito bilang isang overseas Filipino worker na nagtatrabaho sa luxury liner.

FOR THE OFWs. Ang makakasama pa ni Jolens sa pelikula bukod kay Gabby Concepcion ay sina Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Rhian Ramos, at Mark Herras. Si Mark Reyes ang director nito mula sa script ni Senedy Que.

Sabi nga ni Jolens sa PEP (Philippine Entertainment Portal), matagal daw niyang ipinagdasal na matuloy ang pelikulang ito dahil almost one year daw itong inalagaan at inasikaso ng GMA Films. Ang naging producer pala ni Jolens ng show niya before sa Europe na si Vic Alcuaz ang siyang nakaisip na mag-produce ng pelikula na ito na tungkol sa mga OFW.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging interesado siya na gumawa ng ganitong klaseng project para nga sa mga kababayan natin na nagwu-work sa Europe. Kaya tinulungan namin siya na makipag-meeting with GMA Films at pati na rin sa pakikipag-usap kay Gabby Concepcion. Since kaibigan si Gabby ng pamilya namin, talagang kinarir din namin ang pag-convince sa kanya na magkaroon ng comeback film," excited na kuwento ni Jolina sa PEP.

DREAMER ON A CRUISE. Sa Love Cruise ay gagampanan ni Jolens ang role ng isang staff sa isang luxury cruise liner. Mapaniwala siya sa mga hula-hula dahil matagal na niyang hinahanap ang lalaki na para sa kanya.

"Dreamer ako rito at talagang looking for my destiny. Nagkataon na si Gabby ang nagpo-possess ng mga hinula sa akin. Basta nakakatuwa ang mga eksena namin dito, ayon sa pagkakakuwento sa amin. Si Rufa Mae naman dito, crew staff din siya na lounge singer at the same time. Mai-in love din siya kay Gabby rito kaya magkakaroon kami ng parang triangle. Basta nakakatawa ang mga eksena namin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala nga raw magiging problema sa mga maiiwan na trabaho sa Pinas ni Jolens once na magsimula na silang mag-shoot by the end of the month. May Pinoy Idol kasi si Jolens na ilu-launch na sa April at may SOP pa siya every Sunday.

"Naayos namang lahat ang schedules ko para ma-accommodate ang shooting sa Europe," diin ni Jolens. "Noong i-submit ang credentials ko for Pinoy Idol, kasama ang shooting schedules ko rito for Love Cruise kaya walang problema."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal says she prayed really hard for her movie with Gabby Concepcion to push through.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results