Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iza Calzado kung ano ang reaksyon ng boyfriend niyang si Jerry Garcia sa mga romantic and intimate scenes nila ni Robin Padilla sa Joaquin Bordado.
"Wala pa naman, gusto lang niyang ma-meet, gusto niyang makilala. Kasi hindi pa sila magkakilala," sagot ni Iza.
Very supportive kay Iza ang kanyang kasintahan, wala naman daw itong do's and don't's pagdating sa showbiz career ni Iza.
"Wala pa naman, kasi alam naman niyang eksena lang ang lahat ng yun. ‘Tsaka I'm transparent with him. Whatever I do, I tell him right away.
"Like... kasi I like to bring food on the set, ‘tapos usually I bring also for Binoe, for Direk Mac Alejandre, ganyan ako. So I always tell him, ‘Oh, I brought food on the set, I gave Robin.'
"He was so happy kasi alam niya na I take great pride in sharing my knowledge in food. Totoo ‘yan! Mahilig kasi akong kumain. ‘Pag sine-share ko yung mga cakes, kasi mahilig ako sa cake, ‘pag sine-share ko yun sa mga katrabaho ko, ‘tapos natutuwa sila, tuwang-tuwa ako ro'n.
"So, yun...kinukuwento ko sa kanya yun, ‘tapos pag-uwi ko sasabihin ko, ‘Robin and I had another kissing scene,' ganun. Para aware din siya, para hindi naman yung tipong bubulaga na lang sa kanya, na, ‘Bakit may ganung kissing scene?' ‘di ba? So, okey pa naman sa kanya."
CAN'T DO TWO-PIECE. Before Angel Locsin became Darna, isa sa matunog na pangalan para maging Darna noon si Iza. Ngayong muling magbabalik si Darna on primetime TV and with Angel out of the picture, may posibilidad na kayang si Iza naman ang dalagang ‘lulunok ng mahiwagang bato'?
"Hindi ko alam, sila na lang ang tanungin ninyo. Kasi hindi talaga, e. Hindi ko kayang mag-two-piece," tila naguguluhang sagot ni Iza.
Pero marami ang nagsasabi na bagay sana siya for the role.
"Unang-una, gusto kong magpasalamat sa mga naniniwalang bagay ako sa role. Salamat po. Kaya lang, God prepared me, probably, for other things in life. And maybe [being] Darna is not one of them.
"That's fine with me. That's perfectly okay with me. Hindi kasi ako kumportable, lalo na, at action pa yun. E, tumayo nga lang nang naka-two-piece, baka manginig ako, e. Siguro kung hindi ganun ka-sexy yung costume niya."
Hanggang tulad lang ng costume niya as Amihan sa Encantadia dati ang kayang i-carry ni Iza.
"Ngayon siguro mas revealing nang konti dun, kaya ko. Kasi mas pumayat na ako ng konti, kumpara noon sa Encantadia.
"Pero kung two-piece, hindi ko talaga kaya," pagwawakas ni Iza.
