Mismong ang best friend ni Willie Revillame na si John Estrada ang nagkumpirma na isa na sa pinakamayamang artista ngayon ng bansa ang host ng Wowowee. Si Willie na rin daw ang pinakamayamang TV host, ayon pa kay John.
"Hindi naman," pagpapakumbaba ni Willie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "'Tsaka hindi naman paligsahan ng yaman ito. Parang sobrang blessed ka lang."
Sa sasakyan pa lang daw ay pawang luxury cars ang pag-aari ni Willie. Nakiusap na lang sa amin si Willie na huwag nang banggitin kung anu-ano ang brands ng mga ito.
"Lahat naman ng ‘yan [kotse], inspirasyon ko ‘yan, e. Kasi parang ‘yan yung [mga dahilan] kaya sinisipag ako. ‘Tapos yung aking bahay sa Tagaytay."
WILLIE'S HOUSES. May 4,000 sq.m. ang laki ng lupa ng bahay ni Willie sa Tagaytay Highlands. At kamakailan ay bumili ng bagong bahay si Willie sa Corinthian Gardens worth P24.5 M. Ang personal secretary ni Willie na si Katya Montenegro ang nakahanap ng bahay at binili ng TV host ng cash. Pinapa-renovate ngayon ni Willie ang bago niyang bahay na plano niyang tirhan sa mga darating na araw.
"Good investments din ‘yan para sa akin," nahihiyang kuwento ni Willie. "Pero you know what? Wala naman sa akin ‘yan. Ano ba ang buhay ko? Ang buhay ko, sa dressing room [ng Wowowee] ‘tapos sa bahay. Yun lang ang buhay ko from Monday to Saturday.
"Tuwing Sunday lang ako nagpupunta roon [Tagaytay], para magpahinga. ‘Di ba, inaaya ko kayo roon? ‘Di ba, magpapa-dinner lang ako, ganun? Ngayon, makikita ninyo, marami na akong idinagdag sa bahay. Ibang-iba na yung bahay. Ginawa kong private resort."
Pag-aari pa rin ni Willie ang una niyang bahay sa Capitol Homes. Maliit lang 'yon pero doon nagsimula si Willie.
"May kinuha rin akong bahay sa Punta Fuego. Kapitbahay ko sina FG [First Gentleman Mike Arroyo]. Nine-negotiate pa yung bahay na kukunin. Doon ko kasi ilalagay ang yate ko."
Tinanong namin si Willie kung saan naman nakatayo ang bahay na nabalitang para kay Cristine Reyes na pinapabenta niya kay Nadia Montenegro.
"Wala yun, Hindi totoo yun. Wala akong pinapabenta kay Nadia. Si Katya, yung kapatid niya, ang pinahanap ko ng bahay sa Corinthians.
"Alam mo, si Cristine bata pa ‘yan. ‘Di ba hindi naman ‘yan... Saka wala naman akong commitment kahit kanino. Tinanong ko rin si Cristine kung may boyfriend siya, sabi niya wala."
Isang bahay lang daw sa mga pag-aari ni Willie ang nawala sa kanya—ang tinirhan nila ng ex-wife niyang si Liz Almoro pagkatapos ng kanilang kasal sa Ayala Hillside Estate.
"Pinirmahan ko na," ang titulo raw ng lupa na nagsasalin sa pangalan ni Liz ang pag-mamay-ari. And the rest ng pag-aari ni Willie, wala nang habol si Liz.
Kailangan daw niyang pirmahan iyon, para na rin sa kanilang anak. At si Liz, puwede na uling magpakasal since annulled na ang civil marriage nila.



0

