May pressure ngayon kay Yasmien Kurdi.
Hindi kasi biro ang show na papalitan ng bagong soap nilang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Marami ang nagsasabing mahirap tapatan ang taas ng ratings na inani ng Marimar habang nasa ere pa ito noon.
"Okey lang po, basta ako, just have confidence sa sarili ninyo. Sa amin, magaling naman po yung director namin, yung writers namin, yung staff namin, lahat ng artista, co-actors at co-workers ko.
"I just leave it all to God, hinahayaan ko na lang po sa kanya, na without any second thoughts. Siyempre, ‘di ba, ‘pag nag-pray kayo at humiling kayo sa kanya, hindi na kayo mag-aalinlangan sa prayer ninyo? Kasi ibig sabihin ganun yung trust ninyo kay God," pahayag ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal) recently.
ROBIN IS HOT. Inamin ni Yasmien sa PEP na crush niya ang Joaquin Bordado star na si Robin Padilla. In fact, kapag nag-krus daw ang kanilang landas, lalapitan daw ito ni Yasmien at magpapakila siya.
"‘Hello po. I'm Yasmien po, fan ninyo po ako,' ganun. ‘I adore you. I find you hot,'" kuwento ni Yasmien sa amin kung paano siya magpapakilala kay Binoe.
Sobra ang paghanga ni Yasmien kay Robin, lalo na sa pisikal na kaanyuan nito at pangangatawan. Aniya, kahit may asawa na at mga anak (na halos kaedad na raw niya) na si Robin, napanatili nito ang magandang pangangatawan, as shown in Joaquin Bordado.
"In-admire ko lang talaga na for his age hot pa rin siya, na daddy na siya, hot pa rin siya," pahayag pa ni Yasmien.
HOW ABOUT JC? Dahil vocal siya sa paghanga kay Robin, hindi kaya magselos si JC na balitang ka-M.U. niya ngayon?
"M.U.? Yeah, I guess may understanding, kasi nag-uusap naman kami sa phone, like nagte-text siya sa akin kung ano'ng ginagawa ko, ganun, normal. Pero bakit naman siya magseselos? Hindi yun magseselos," paniniguro pa ni Yas.
How about 'yong napabalitang flight attendant na boyfriend daw ni Yasmien talaga? Baka iyon naman ang magselos.
"Wala akong boyfriend. Wala po. Period."





