Chit Ramos wants STRAM to manage Maja Salvador completely

Interview by Jo-Ann Q. Maglipon, Text by Rommel R. Llanes
Wednesday, March 26, 2008 @ 10:19PM  |  17832 views

 

Chit Ramos with Maja Salvador during happier times. Tita Chit has asked Malou Santos of STRAM (Star Records Artists Management) to take over in managing Maja who recently took the effort to patch things up with her.

Photo By: Noel B. Orsal














"Sabi nga ng mga taga-ABS [CBN], dapat din daw ang mga artista magkaroon ng workshop...on how to handle success," pasaring na banggit ni Tita Chit sa kalagitnaan ng kanyang pakikipanayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Tita Chit" ang palambing na tawag ng karamihan sa local showbiz kay Chit Ramos, kapatid ng batikang showbiz columnist at celebrity manager na si Manay Ethel Ramos at manager ng young star na si Maja Salvador.

Natiyempuhan ng PEP si Tita Chit nang matapos na ang presscon ng pelikulang Manay Po 2: Overload, sa Imperial Palace, Quezon City. Although naroon siya bilang imbitadong miyembro ng showbiz press na iinterbyu sa cast ng pelikula, kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na siya naman ang mainterbyu hinggil sa pagkakagalit at pagbabati na naganap sa pagitan nilang dalawa ng alagang si Maja Salvador.

THE RIFT. Ilang buwan na ang nakalipas nang pumutok ang balitang may hindi pagkakaunawaan sina Tita Chit at si Maja.

"Last year, it started as blind items. ‘Tapos nung sinabi kong I want to drop her, it became ‘free-for-all,'" pahayag ni Tita Chit.

By "free-for-all," Tita Chit means malaya nang ibinato kay Maja ng karamihan sa showbiz press ang iba't ibang akusasyon na hango sa mga nagsikalat na blind items. Nang tanungin ng PEP ang tungkol sa tunay na dahilan ng pagkakagalit nila ni Maja, nakiusap na lang si Tita Chit na huwag nang magsalita about it. Para nga naman sa nanumbalik na nilang working relationship.

Kinumpirma na lang ni Tita Chit sa PEP na three months nga silang hindi nag-usap nang harapan ni Maja. Kung mag-text man ito ay ipino-forward daw ni Tita Chit ang mga mensahe sa nakatatandang kapatid niya na si Manay Ethel na siyang tumatayong adviser din niya sa pagha-handle ng talents.

From Manay Ethel, nakuha ni Tita Chit ang go signal to let go of Maja. But still, nakatali daw sila (Tita Chit and Maja) sa kontratang magtatapos pa sa 2009. Kaya kahit na hindi sila nagkakausap, ginagawa pa rin ni Tita Chit ang functions niya as Maja's manager, tulad ng paghahanap ng raket at pagko-close ng deals.

A SEARCHING DAUGHTER. Masama ang loob ni Tita Chit sa nangyari sa kanila ni Maja. Parang nabalewala kasi ang samahan nilang tumakbo ng halos apat na taon. Samahang nagsimula sa bukas-loob na pagtulong lang niya sa dalaginding na noo'y naghahanap sa amang may sakit.

"She's been looking for her dad for seven years," kuwento ni Tita Chit. "Nabalitaan kasi nila na may sakit ito at laging isinusugod sa ospital ni Phillip Salvador."

Maja's father, it turned out, was 1960s matinee idol Ross Rival, or Rosauro Salvador in real life, isa sa mga kapatid ni Phillip. Isa naman sa mga nakarelasyon ni Ross ang ina ni Maja na si Thelma Andres.

"Si Thelma, siya yung kasama ni Maja nung pinuntahan na nila ako. Kasamahan kasi ni Maja sa modeling [company] noon ang anak ko, si Farrah. Kaya nung malaman niya na kilala ko ang mga Salvador, nagpasama sila kay Farrah."

Close daw kasi si Tita Chit sa mga Salvador na artista ng pinagtatrabahuhan niya noon bilang PR na Moviestars Productions.

"Hindi makapaniwala si Maja na makakausap na niya si Phillip Salvador. Inabot ko sa kanya yung cell phone ko, ‘tapos sabi ko, ‘Call your Tito Ipe.' Tinapon niya yung cellphone ko. Hindi siya makapaniwala, " pagpa-flashback ni Tita Chit.

Ang mga sumunod na eksena raw ay ang pagmi-meet nina Phillip at ni Maja na ini-record naman ni Tita Chit sa kanyang video camera. Soon, lumabas na rin si Maja at ang reunion ng kanyang ama sa The Buzz. Nagustuhan daw kasi ni Boy Abunda ang istorya ni Maja na isang batang naghahanap ng kanyang ama, hindi para humingi ng tulong kundi para tulungan ito.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name