"Iba-iba talaga ang na-experience ko doon and now I'm ready for my new job, starting April 5 hanggang sa matapos ito by August 2008," says Pinoy Idol host Raymond Gutierrez.

Photo: Noel Orsal


Nagpatawa ang host ng Pinoy Idol na si Raymond Gutierrez matapos marinig kay Ms. Wilma Galvante, Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA Network, na hindi lamang P1 million cash prize ang matatanggap ng grand winner, kundi recording contract din sa Sony-BMG Music, a management contract from GMA Network, a car, house and lot, at marami pang iba.

 

"Kung alam ko lang na ganoong kalaki ang prizes, sana nag-audition na rin ako!" nagbibirong wika ni Raymond na siya ring nag-host sa formal launch ng Pinoy Idol kahapon ng tanghali, March 28, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Patuloy niya, "But I'm very honored to be the host of Pinoy Idol after watching the audio visual presentation they prepared for me. And I'm thankful to GMA Network and Fremantle na ako ang pinili nila to host the most prestigious talent search in the world, particularly ang Pinoy Idol."

 

THE IDOL AUDITION. Pagkatapos ng presscon proper ay sinabi ni Raymond sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na marami siyang natutunan sa eight weeks na audition ng Pinoy Idol sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

 

"Although nakapunta na ako sa ibang lugar, iba pala ‘yong mag-stay ka doon ng three to four days because you can see their culture and traditions—like sa Cagayan de Oro, Iloilo, Cebu, Davao, and Batangas. Very tiring for us ng mga judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal and Wyngard Tracy, but we are not complaining, we are enjoying our jobs," kuwento ng twin brother ni Richard Gutierrez.

 

As the program's host, si Raymond talaga ang kailangang makipag-interact sa mga contestants na haharap sa mga judges.

 

Aniya, "Lumalabas talaga ako sa streets, nag-i-interview ako sa mga tao kung ano ang feeling nila na doon sa kanila nagpa-audition ang Pinoy Idol. Pagbalik ko naman sa venue, kapag kausap ko na ang mga contestants, I will be their confidante, their friend, their brother, a shoulder to cry on, lalo na to those na nag-expect na mapipili sila, pero hindi naman nagustuhan ng mga judges.

 

"Ibang-iba kasi ang atmosphere habang nasa labas pa lang sila ng judging room sa atmosphere naman kapag kaharap na nila ang mga judges. Yung iba, nate-tense; yung iba, kaya naman ang ginagawa nila, yung iba hindi maiwasang maiyak sa nerbiyos... Lahat ‘yon nakikita ko sa maliit na monitor ko sa labas ng judging room para alam ko kung paano sila kakausapin paglabas nila. And I'm happy naman for those contestants na nabigyan ng gold ticket, their pass in joining the other contestants for the eliminations in Manila.

 

"Iba-iba talaga ang na-experience ko doon and now I'm ready for my new job, starting April 5 hanggang sa matapos ito by August 2008," pahabol ni Raymond.

 

NO VACATION. Tinanong namin si Raymond kung hindi ba siya magbabakasyon bago ang start ng Pinoy Idol.

 

Kahapon kasi after the presscon, umalis si Wyngard for London para magbakasyon doon with his friends at sa April 15 na raw ang balik niya. Si Jolina naman is leaving for Europe para sa shooting ng I.T.A.L.Y. Si Ogie ay may ilang days na bakante, pero magsisimula na rin itong mag-taping ng bago nitong game show na The Big Show at shooting ng pelikula nila ni Regine Velasquez na Love is Blind...and Deaf.

 

"No, hindi po," sagot ni Raymond. "May regular shows pa ako, like ang SOP at Showbiz Central every Sunday sa GMA-7. May taping din ako ng show ko [Livin' It Up] sa QTV-11. Siguro, magri-relax-relax lang pero dito-dito lang."

 

SUMMER PLUG. Bago finally nagpaalam ang PEP kay Raymond, natanong siya kung totoong may tampo ang kakambal na si Richard sa GMA Network. Kahit blind item ang pagkakasulat ay tukoy naman na ang kakambal niya ang tinutukoy na nagtampo diumano dahil sa hindi raw pagkakasama sa ipinalabas na launch ng summer plug ng GMA-7 ang kinunang eksena ni Richard.

 

"I haven't talked to Chard regarding that matter. If it's true, I know he loves his work, at madali namang maaayos ‘yon, kung meron man, sa magandang pag-uusap," nakangiting pagtatapos ni Raymond.