Katrina Halili produces coffeetable book to promote tourism and art


 
"Lahat ng ginagawa ko, paiba lang siya nang paiba. Pero basta iba ito, surprise na lang, hintayin na lang nila. Ayoko na lang ikuwento basta mas sexy," says Katrina Halili about her coffeetable book.
More photos


More Pictures

Katrina Halili produces coffeetable book to promote tourism and art

Nelson Canlas

Rating


Aminado ang sexy young actress na si Katrina Halili na isang malaking sugal ang kanyang pagpu-produce ng sarili niyang coffeetable book. Dito, ipapakita niya raw ang lahat ng kanyang makakakaya bilang isang sexy model. Pangarap daw kasi ni Katrina ang ma-feature sa ganitong klaseng babasahin.

 

"Kasi nung bata pa ako, mahilig akong tumingin ng magazines. ‘Tapos ngayon nagshu-shoot ako na ako ng FHM, ‘tapos nakahiligan ko na rin siya. Naisip ko, bakit hindi ko gawin," kuwento ni Katrina sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Boracay Island ang napiling location ni Katrina sa kanyang unang layout. Sa isang cove malapit sa Station 1 ng Bora naganap ang pictorial. Hindi maikakaila na nakikipagsabayan ang kaseksihan ni Katrina sa ganda ng lokasyon.

 

Isang sea goddess at isang socialite shipwreck survivor ang drama ni Katrina sa kanyang unang mga layout. Kitang-kita sa mga larawan kung gaano walang-takot na nagpa-sexy si Katrina.

 

"Lahat ng ginagawa ko, paiba lang siya nang paiba. Pero basta iba ito, surprise na lang, hintayin na lang nila. Ayoko na lang ikuwento basta mas sexy," pagbibida ng StarStruck Batch 1 Avenger.

 

Tinatayang si Katrina ang kauna-unahang magre-release ng isang coffeetable book sa kanyang henerasyon. Dahil dito, kinakabahan daw siya dahil sa expectation na rin ng mga tao.

 

"Nakakatakot din, pero mas nae-excite ako. Nae-excite talaga ako kasi gustung-gusto ko siyang gawin," bulalas ni Katrina.

 

Umpisa pa lang daw ang Boracay, dahil lilibot daw si Katrina sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ipapakita niya raw sa kanyang coffeetable book ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

 

"Nandito kami ngayon sa Boracay, ‘tapos next kaming pupunta ng Palawan, Romblon, at marami pang place na pupuntahan namin para mag-shoot kami," sabi ni Katrina.

 

"We are trying to infuse tourism, entertainment, and then art [in this book]. I think it's very good," ayon naman sa photographer na si Nicolo Cosme.

 

Dagdag ni Nicolo, "Basically, nag-meeting kami that night nung dumating dito. May mga themes kami na susundin, sexy, provocative pero hindi bastos. I think natsa-challenge din siya, e. Hindi ko puwedeng i-disclose yung buong details, pero I think she will be baring a lot of skin."

 

Hindi lang daw sa Pilipinas ire-release ni Katrina ang kanyang coffeetable book. Naghahanap na rin daw siya ng ilang partners para mai-release ito sa iba't ibang bahagi ng mundo.

 

Click here for more of Katrina Halili's sexy pictorial.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement