During the press conference for "Yes Sir" the new episode in KC Concepcion's show, I Am KC last Saturday, ilan sa mga salitang ginamit sa pagpapakilala sa kanya ay "showbiz royalty" and "princess."
The press in attendance agreed na tama lang ang mga ginamit na salita to describe KC dahil showbiz royalty naman talaga siya, being the daughter of Megastar Sharon Cuneta and comebacking former matinee idol Gabby Concepcion.
As for the princess tag, walang-dudang nagkakaisa rin ang press sa ibinigay na titulo kay KC. Sa obserbasyon kasi ng marami, ibang klase ang treatment na ibinibigay kay KC both by the press and the network na kinabibilangan niya. A treatment na malamang ay ikinakakaba na ng iba pang young actresses.
HESITANT PRINCESS. Pero mabilis naman sa pagsasabi si KC na malaki ang respeto niya sa ibang young actresses na kasabayan niya at matagal na sa industriya. Ayaw niya ngang isipin na may special privilege siya na dahilan kung bakit tinatawag na "prinsesa."
"Actually, sobrang nirerespeto ko pong talaga, especially yung mga kasing-edad ko na umaarte at nandirito sa industriyang ito.
"So, ayoko po talagang isipin yun ["prinsesa" title]. Kasi, ako po ang nanonood sa kanila. Pinanonood ko po sila. Silang lahat-lahat yan, sina Bea [Alonzo], Angel [Locsin], Angelica [Panganiban]. Lahat ‘yan, pinapanood ko, si Ate Juday [Judy Ann Santos]...lahat ‘yan, nirerespeto ko sila.
"But...ayoko siyang isipin like kung ano yung sinabi n'yo...basta ako po, ginagawa ko ang trabaho ko the best I could para hindi ako mapahiya sa mga nakakatrabaho ko na matagal na sa industriyang ito."
Hindi raw niya talaga inilalagay sa isip niya na isa siyang showbiz royalty at dapat na may special treatment.
"Hindi ko na po iniisip yung royalty. Hindi naman po kasi ako pinalaki na tipong nakalagay sa utak ko na, ‘o, prinsesa ka.'
"Kaya sobrang naiilang po akong talaga kapag sinasabing prinsesa ako. At saka, marami naman pong ibang anak diyan ng artista."
Isa sa press na naroon ang nagkomento na iba raw kasi talaga ang dating ni KC from the other showbiz sons and daughters na active na rin sa showbiz.
"Ay, thank you po. Pero siguro po kasi, mahilig lang din po
talaga akong manood ng ibang artista. So, siguro po, natututo na lang ako sa
kanila."
FUTURE CO-STAR. Lubos ang paghanga ni KC sa iba pang artista, ngunit wala naman siyang mabanggit na gusto niyang makatrabaho in the future.
"Open naman po ako kung sino ang ibigay sa akin to work with. Although, sometimes meron po akong, sana si ganyan... So kung may mga projects, ibig sabihin I really love to work with them or I really wish to work with them."
