"Just being in the movie with Dolphy and Vic Sotto is already a very huge honor
for me, that's why I am still ecstatic even if they say I am only a second
choice," walang gatol na pahayag ni Riza Santos sa PEP (Philippine
Entertainment Portal) tungkol sa isyung panakip-butas lang siya sa role na
tinanggihan ni Marian Rivera sa pelikulang Dobol Trobol kung saan bida
sina Vic at Dolphy.
Aniya, kakaibang experience daw ang nararanasan niya dahil sa sobrang pag-aalalay sa kanya ng dalawang comedy superstars.
"Bossing Vic is very supportive, he makes me feel at ease. He tells me the right pronunciation of the Tagalog words I am supposed to deliver in a scene. He doesn't look annoyed when I make mistakes, instead, he laughs it off para ‘di ako mapahiya," lahad pa ni Riza.
"Dolphy is so tahimik, but he shows he supports me a lot."
BOSSING'S NEW GIRL? Anak ni Dolphy ang role niya sa movie at si Vic naman ang suitor niya. At dahil nga kilalang matinik pagdating sa babae si Bossing Vic, naitanong din kay Riza kung tila nagpaparamdam sa kanya ito.
"Nothing, it's just in the scenes we do. Wala po, wala pong ganoon. He is a gentleman. I like him," halong garil na Tagalog at English na sagot nito sa amin.
Nang punahin nga ng mga kausap niyang press ang kakaibang accent niya, sinabi ni Riza na nag-aaral siyang magsalita nang tamang Tagalog.
"Whenever I have the time, I try to study how [to speak proper Tagalog].
Lagi na lang daw kasing balikbayan ang role niya dahil sa balakid ng ‘di niya pagsasalita ng maayos na Tagalog. "I know it is very limiting, like I always play a balik-bayan in all the movies I make. Of course, I would like to do other roles, too."
RELIGION VS. SHOWBIZ. Bukod sa pelikula nina Dolphy at Vic Sotto, kasama rin si Riza Santos sa Torotot ng Viva Films. Marami pa siyang ibang project, at aniya malaki ang pasasalamat niya sa pagbibigay ng malalaking break sa kanya.
Kay Riza na rin namin napag-alamang graduate pala siya ng Bible College sa Calgary, Canada. Isang pastor ang ama niya kaya gusto rin niyang sundan ang mga yapak nito. Balang araw raw, nakikita niyang magiging alagad din siya ng Diyos.
Sa kabila ng kasalukuyang tagumpay na tinatamasa niya sa kanyang showbiz career, nasa plano pa rin ni Riza na magtapos ng isa pang college course na kinuha niya bago siya nakapasok sa showbiz.
"I also took up a medical course but I stopped two years ago. I plan to go back to school because I still believe that a college education is the best fallback. If I don't make it [big] in show business," sabi pa niya.
At dahil nga sa background niya sa religion, hindi ba siya naiilang na kailangang magpe-sexy siya at magsuot ng mga skimpy suits, lalo na sa mga pictorial sa mga magazine?
"Nope, this is pure work. My religious upbringing has nothing to do here. May father trusts me so much, that he doesn't meddle with my showbiz affairs," paliwanag pa ni Riza.
Hanggang ngayon daw, loveless pa rin siya. Totoo pa rin daw yung sinabi niyang ‘di pa siya nagkaka-boyfriend. Inamin niyang very close sila ni Will Devaughn pero aniya, pareho raw silang sa career muna ang focus ngayon.
"Sayang naman, we are given this rare chance and we both don't want to spoil this. Sayang talaga."
Pero malinaw na special sa kanya si Will, kumpara kay Mark Bautista na noon ay nagdeklarang hayagan niyang liligawan si Riza. Nakapunta na si Mark sa bayan ni Riza sa Canada.
"I've known Mark longer, but I know Will better," makahulugang sabi pa ni Riza. "I've known Mark since my Canada days. He did a concert in my hometown and he was a guest, together with some stars like Sarah Geronimo in my tito's house. We had a chance to be friends since then," pagtatapat pa ni Riza.
"But he doesn't make ligaw to me. He's just a very good friend," muling
sabi pa ni Riza.
Matatandaang nagbitiw ng salita noon si Mark na hindi siya titigil hangga't hindi niya napapasagot si Riza.