GMA-7 brings back Arnell Ignacio and "Gobingo"

Ruel Mendoza
Saturday, April 05, 2008 @ 01:06PM  |  17 views

Ayaw na raw muling magkamali ni Arnell Ignacio kaya naman ipinangako niya sa GMA-7 na gagawin niya ang lahat ng paraan para masiyahan ang mga manonood sa nagbabalik niyang game show na Gobingo.

Matagal na nawala sa ere ang Gobingo, pero ibinalik ito ng GMA-7 para lang kay Arnell. Natutuwa naman si Arnell dahil puwede naman daw na kumuha ng ibang host ang GMA-7, pero sa kanya pa rin naitoka ang show.

Matatandaang for a while ay lumipat si Arnell sa ABS-CBN, ngunit hindi nagtagal ay bumalik din siya sa Kapuso network.

Kuwento ni Arnell, "Ginulat nga ako ni Ma'am Wilma [Galvante, Senior Vice President for Entertainment TV]. Noong magkita kami over lunch para magkuwentuhan lang daw kami. Noong paalis na siya, dun niya sinabi na ibabalik ang Gobingo at ako raw ang host ulit. Siyempre, nagulat ako kasi wala naman akong ini-expect from GMA-7 talaga after ng kagagahan ko noon, di ba?

"Kami naman ni Ma'am Wilma," patuloy niya, "normal na sa amin ang magkita-kita at magkuwentuhan parati. Pero with this, ginulat niya ako. I really did not expect this kaya walang katapusan ang pasasalamat ko sa GMA-7."

Mas pinabongga at mas pinalaki ang premyo ng mga mananalo sa nagbabalik na Gobingo. Isang contestant raw ay puwedeng manalo ng higit sa P100,000 kada araw. Bukod pa roon ang magiging premyo ng home partner nito at sa mga sasali via text. Magsisimula ito sa April 14 bago mag-24 Oras.

ARNELL VS. KRIS. Ang show ni Arnell ang itatapat ng GMA-7 sa Wheel of Fortune na hinu-host ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Flattered nga si Arnell dahil isang Kris Aquino ang magiging katapat niya.

"Akala ko nga ang itatapat sa akin, Koreanovela o Mangaserye!" tawa ni Arnell. "Hindi ako kakabahan doon. Pero dahil nga game show ni Kris ang katapat ko, kailangan kong pantayan ‘yon because Kris is a very good host.

"More than the competition, kinakabahan ako kasi malaki ang expectation sa ‘yo ng maraming tao, lalo na ng mga tao dito sa GMA-7. Pero it's a big challenge for me again at sinabi ko nga, lahat gagawin ko para sa ikabobongga pa lalo ng Gobingo."

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name