Annabelle Rama forgives Cristy Fermin but asks her to pay P1million

Julie Bonifacio
Tuesday, April 08, 2008 @ 06:13PM  |  67 views

 

"Cristy, sana matuto ka na. Madala ka na... Ang daming mga artista, marami siyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari. Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?" was Annabelle Rama's (right) message to Cristy Fermin (left) after winning the libel case Annabelle filed against the TV host-columnist.

Photo By: Emerson Sy (Cristy) & Noel Orsal (Annabelle)













Kasama ni Cristy sa stage sa kanilang pamamaalam sa show last Sunday ang iba pang hosts ng The Buzz na sina Boy, Ruffa, Phoemela Baranda, at Jobert Sucaldito nang kunan siya ng maikling pahayag ng mga kasamahan niya sa programa.

"Alam ninyo, lahat na kapag ka may dumarating na artista dito o sinumang personalidad, ang turing ko sa The Buzz ay isang tahanan. Ako ang dinatnan, may mga bisitang pumapasok at sa kulturang Pilipino, yung mga dinadatnan, yung mga pumapasok na bisita ay nirerespeto natin.

"Lahat ng sinabi ni Tita Annabelle kanina ay nirerespeto ko. Sabi ko nga sa ‘yo, Boy, nandiyan pa rin ang kaso. May karapatan pa rin ako na ipagtanggol ang aking sarili, nadiyan pa rin, hindi pa rin natutuldukan ang dokumento. Pero isang bagay lang po, mga kaibigan, lagi akong naniniwala mula sa isang negatibong bagay, nakakakuha po tayo ng positibo.

"Si Tita Annabelle po kapag hinahalikan ko, hindi niya inaalok ang kanyang pisngi, pero hindi niya ako iniiwasan. Nung pumunta si Tito Eddie dito nung birthday celebration ni Ruffa, tinanong niya ako, ‘Crtisty, kumusta ka na?' kasabay ang isang mahigpit na yakap na parang wala nang hangin sa pagitan namin.

"Sa akin po, noon pa man, tapos na ito. Sa loob ng labintatlong taon, parang malaking sword, isang malaking punyal po ito na anumang oras ay puwedeng bumagsak sa ulo ko. Araw-araw sa ginawa ng Diyos, ang parusa po ay kulong.

"Nung Huwebes may mga tumawag akong kaibigan at nag-text. Ang una kong tanong, ‘Meron bang kulong?' Wala raw. Mula rito, inisip ko na lamang ang aking mga anak. Syempre, di ba?

"At sabi ko nga, anuman ang nagawa kaya merong nagalit, may natapakan. At hindi po ikabababa ng aking pagkatao kung magsabi ako ng paumanhin sa mga artistang hindi nagkakagusto sa aking mga isinusulat. Pero ako po ay isang manunulat na tapat din po sa aking propesyon. Paninindigan ko po ang aking mga isinusulat dahil yun po ang aking prinsipyo at meron po akong karapatan bilang malayang mamahayag," mahaba niyang pahayag.

Kasunod nito, sinabi naman ni Ruffa kay Cristy na "time heals all wounds."

"Oo, at Ruffa, alam mo na mahal na mahal kita," sagot naman ni Cristy.

Naniniwala si Ruffa na lumambot na rin ang puso ng mommy niya kay Cristy. Nakita kasi ni Ruffa na nagbiruan pa ang mommy niya at si Cristy after ng live interview ni Annabelle with Boy pagbaba nito sa stage ng The Buzz.

"Sabi ko, ‘Tita Anabelle, wala po akong isang milyong piso.' Sabi niya, ‘Ay, bruha ka, ‘Day. Magbayad ka ngayon din.'

"Tita Annabelle, Tito Eddie, sa pagpapalaking ginawa ninyo sa mga anak ninyo, sapat na pong sagot yun sa mga katanungan ko. Maraming salamat," pagtatapos ni Cristy.
« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name