Kahapon, ika-8 ng Abril, sa presscon ng Xando Tummy Tablets na ginanap sa Crowne Plaza Hotel ay sandaling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bagong endorser nitong si Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang mga anak at sa pagdating ni Yilmaz Bektas.
"Siyempre, tao naman tayo. Ah, may feelings tayo, nasasaktan tayo, pero kailangan maging positive at all times. Kasi kung mag-iisip ka ng positive, ang bumabalik sa ‘yo ay positive din. And I think with everything happening in my life and in my career now, I can say that tama yung pagbasa ko ng The Secret, kasi lahat naman ng bumabalik sa akin puro positibo," pagsisimula ng TV host-actress.
LORIN & VENICE. Kumusta naman ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice?
"Yeah, well, Lorin is four now, at saka si Venice is three, so nakikita niyo naman na ayos naman ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. I just hope na they grow up to be God-fearing individuals. Sana hindi sila maging spoiled. As early as now, talagang tinuturo ko sa kanila din na makihalubilo sa lahat ng tao."
Paano naman niya ilalarawan ang relasyon nina Lorin at Venice sa ama?
"Yeah, I can say that they're Daddy's girl. Siyempre, ganun naman talaga...even me, I'm Daddy's little girl, di ba? Mga babae, malapit talaga sa mga tatay and I never ever would take that away from them."
Nagkausap na ba sila ni Yilmaz tungkol sa magiging kahihinatnan ng kanilang pamilya?
"I think naman na first of all, you know, with regard to Yilmaz, whatever it is in private na napag-usapan namin, I'd like to keep it in private," ang sabi ni Ruffa. "Kasi nag-promise na kami sa isa't isa na hindi na kami magsisiraan sa press. Kasi mamaya may masabi ako, hindi niya magustuhan, he's very sensitive pa naman...so I promise na, I wouldn't reveal the details of what we talked about during his five-day stay.
"Ang masasabi ko lang is, you know, I'm very happy that Yilmaz and I are okay now. Meron na kaming peaceful understanding. Ang importante ngayon ay ang future ng mga anak namin, so nagkaro'n na kami ng pag-uusap. I think yun ang pinaka-importante yung hindi kami magsagutan, hindi kami mag-away.
"Because baligtarin man ang mundo, may dalawa kaming anak, and dugo niya yun, dugo ko yun. We spent eight years together, so hindi dapat tinatapon ‘yon. Isipin na lang namin yung mga good memories at itapon na lang namin yung mga bad memories."
What if sumama sina Lorin and Venice sa Daddy nila sa Turkey? Lalo pa't gusto ni Yilmaz na mapalapit ang mga bata sa mga grandparents nila doon?
Aniya, "Well, I think it's also nice, na yung mga anak ko, hindi lang puro mga Pilipinas ang alam. Siyempre, kahit na ipinanganak sila sa Amerika, I want them to speak English, Tagalog. I want them also learn their father's culture, gusto ko silang matuto tungkol sa mga kultura ng mga Turko, and you know, with the food that they eat, and I want them to learn their language. Sana naman magkaro'n kami ng magandang understanding and mag-promise siya sa ‘kin na, you know, ‘pag ipinadala ko yung mga bata dun, ibabalik niya."
Pero sa ngayon, hindi pa raw nila napag-uusapan ni Yilmaz iyan. Ayon ka Ruffa, "Well, I think we'll talk about that in the future. I mean, nand'yan yung possibility, why not, di ba?"
Sinabi rin ni Ruffa na last time na nagkausap sina Yilmaz at ang dad niyang si Eddie Gutierrez over the phone, pinag-usapan daw ang hiling ng mga magulang ng nasabing Turkish businessman na makita ang mga bata. That was one and a half year ago. Ang sagot raw ni Eddie ay puwede naman. Baka pa nga the whole family will come and visit Turkey, so we haven't closed the door. Pero hindi daw ito nangangako."
FINANCIAL SUPPORT. Nagkaayos na ba sila tungkol sa usaping sustento?
"Well, alam mo yung tungkol sa sustento naman, unang-una kung ano yung prinamis sa akin ni Yilmaz, I'm sure naman tutuparin naman niya yun. Because I believe that he's a man who's very honorable and whatever he says, paninindigan n'ya ‘yon," ang sabi ni Ruffa.
Dagdag pa niya, "And ako naman, as a working mom now, sa tingin ko naman, with all the blessing that I'm receiving now, kayang-kaya ko naman buhayin ang dalawang anak ko na mag-isa. Dalawang cute na bagets lang naman yan and I'm sure kaya ko namang bihisan and everything...so hanggang sa makakaya ko, ibibigay ko lahat...the best for my children."
Ang tungkol sa pagpapaaral ng kanilang mga anak ang binanggit ni Ruffa kay Yilmaz, "Ang sabi ko lang naman kay Yilmaz, ‘Sana you would also help sa education of his kids kasi one day, paglaki ng mga bata, hindi lang naman ako ang pasasalamatan na matalino sila, at least, pasasalamatan din nila ang Daddy nila."
Ano naman ang mga naging activities nila noong nagkita ang mag-aama?
"Siyempre, harutan sila nang harutan. Ako kasi, siyempre, may pagka-istrikto, eh, yung konting anu lang yung, ‘Kids be quiet,' yung ganun...And with Yilmaz, yung naghaharutan sila nung nababasa siya ng libro with the kids.
"So, sa tingin ko importante rin yung quality time at saka yung bonding time nila kasi, I never criticized Yilmaz to my kids. Gusto kong lumaki silang may respeto sa tatay nila, so when I see them happy, when I see them na nagba-bonding sila, happy na rin ako."
ZULEYKA RIVERA MENDOZA. Marami rin ang nakakapansin kung bakit nangangayayat si Ruffa lately, ang dahilan ba nito ang yung napapabalitang idini-date ni Yilmaz na si Zuleyka Rivera Mendoza, ang 2006 Miss Universe?
"Hello naman, in fairness naman sa akin, matagal na akong sexy at payat bago pa dumating ang isyung ito. You know, I think, mine-maintain ko lang."
Ano ba ang buong katotohanan? Pinabulaanan kasi ni Yilmaz yung isyu sa kanila ni Zuleyka?
"You know naman for me, Yilmaz doesn't need to explain anything kung sino ang bago niyang dine-date. Kung sino man siya, whatever, I think he's nothing to explain to me kasi in the first place, matagal na kaming namumuhay nang wala sa iisang bubong.
"So being a thirty-year-old single cutie pie guy, I'm sure naman napaka-weird naman, hindi naman siya bading, [kung] wala siyang magugustuhan. You know, I thinks it's pretty normal naman being a guy na magde-date din siya, and I think it's best na siya ang unang makapag-move-on.
"And ako naman, kahit na nakapag-move on na siya, it doesn't mean na I would go ahead, and like, you know, be excited that magmo-move on na rin ako. Yes, I have been moving on, but I've been taking really careful steps. Lagi kong iniisip na kailangan maging discreet ako, if ever na may mga kausap ako, or whatever...kasi may dalawang anak ako at babae pa man din sila, so I really have to protect their interest first before myself," pagtatapos ni Ruffa.