Inusisa agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rafael Rosell tungkol sa kumalat na tsikang tila na-insecure si Aga Muhlach sa kanila ni Jon Avila sa When Love Begins dahil sa punto ng pagpapakita ng katawan, dehado raw ang premyadong aktor sa dalawa.
Ito raw ang naging dahilan ng grabeng delays sa pelikula ng Star Cinema. Kasi nga, kailangang humataw si Aga sa muling pagda-diet at exercise. Lumobo kasi ang actor pagkatapos na hindi agad nasundan ang A Love Story.
"Si Aga Muhlach, mai-insecure sa amin?" napapailing pagkatapos na sabi ni Rafael. "Malabong mangyari 'yan. Sino ba kami kung ikukumpara sa isang Aga Muhlach? Let's be realistic about it.
"In this movie, masasabing nag-prepare talaga si Aga to be physically fit. Magandang backdrop ang Boracay, at kahit nga kapag magbabakasyon ka lang, kailangan mong paghandaan ang pagpunta sa Bora by dieting and exercise, 'di ba?" sabi pa ng handsome hunk.
EASY TO WORK WITH. Very positive ang working experience ni Raf with Aga and Anne Curtis for the said movie. Aside from the fact that their director, Jose Javier Reyes, is so easy to deal with.
"Masarap katrabaho ang mga professional, marami kang matututunan sa kanila," sabi pa ni Rafael. "'Yung sinasabi nilang delays, I don't think it should be blamed kay Aga. Kasi, para rin naman sa ikagaganda ng movie yung gusto niyang mangyari.
"Siya yung bida sa movie, kaya, okey lang na maghintay muna kami sa kanya. Mabuti sana kung in the middle of our shoot sa Bora, roon tumigil ang production.
"Ayaw pang mag-shoot ni Aga ng beach scenes dahil gusto niya ng konting panahon to prepare, and it's very understandable. And I don't think mayroong dapat sisihin kapag nangyayari yung medyo nahihinto ang shooting," aniya pa.
Raf plays the best friend of Aga in the film. Sabi nga ni Direk Joey, perfect si Raf for the role, lalo na't dependable na rin ito as an actor. Nasuportahan daw ni Raf nang tama ang leading man ng When Love Begins.
"It may appear simple, pero kung Aga Muhlach ang kaeksena mo, you should be on your toes, always," pagdidiin ni Raf.
"At saka nakatulong yung pagiging Bench Body model ko, that I really have to be strict with my workouts and diet. Kaya lagi akong handa sa ganyan, na kailangan sa trabaho yung pagpapakita ng katawan.
"I'm so comfortable with that. Wala akong problema riyan. Hangga't may trabahong kailangang magpakita ako ng katawan, gagawin ko. I still have my limitations though," napapangiting sabi pa ng binata.
ON SETTLING DOWN. Kayod-marino nga raw ang ginagawa ni Raf. Patapos na ang taping ng Prinsesa ng Banyera kung saan mahalaga ang role niya. Ipalalabas naman ang Maligno na patapos na rin ang taping nila.
"I'm so happy, for quite a time, hindi ako nababakante sa regular job. Nakakaipon talaga ako. Gusto ko kasing makabili ng bagong sasakyan, and hopefully, makapagpatayo na ako ng sarili kong bahay.
"That will be the time that I have to contemplate on settling down. To be honest about it, matagal na rin kasi kami ng girlfriend ko, at kung maisip ko mang mag-settle down na, mukhang sa kanya na talaga," pahayag ni Raf.
Mukhang marami ang magdurugo ang puso kung gagawin agad ito ni Raf.
"Hindi ko naiisip na may malaking mababago if I'd do that. At saka medyo matagal pa 'yan. I would still be doing the same thing, o baka mas daring pa nga, basta hindi yung makaka-affect negatively sa personal life ko.
"I see everything as part of my work."